P15.07B budget ng COA, APRUBADO sa subpanel ng Senado
Ni Ernie Reyes
Inaprubahan ng Senate committee on finance, subcommittee A sa pamumuno ni Senador Sherwin Gatchalian, nitong Lunes ang 2026 budget ng Commission on Audit’s (COA) sa halagang PHP15.07-billion sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP).
Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na aprubado ang badyet ng COA kahit nakaliban si Commissioner Mario Lipana na nagpapagamot ng abroad at nasa listahan ng kinasuhan sa flood control scandal.
“It’s been a tradition during budget season na yung mga commissioners, in full force, pumupunta talaga dito . So, may I ask where is Commissioner Lipana?” tanong ni Gatchalian sa pagsisimula ng budget deliberations.
Nakaliban si Lipana simula pa noong Agosto 1 sanhi ng kondisyong medical at pinalawig ang paglibang sa October 30 dahil patuloy siyang ginagamot sa abroad, ayon kay COA Chairperson Gamaliel Cordoba.
“Commissioner Lipana has been on leave since August 1. Ang kanya pong leave ay na-extend ng hanggang October 30 dahil he has been undergoing treatment po sa abroad for his sickness,” ani Cordoba.
Nasangkot si Lipana dahil kasabwaat ang isang kampanya na pag-aari ng kabiyak nito ang kompnayang sangkot sa maanomalyang government infrastructure project.
Sinabi ni Cordoba na kasalukuyang iniimbestigahan ng COA si Lipana sa posibleng conflict of interest sa pamamagitan ng siang internal review.
Natuklasan sa deliberasyon na inaprubahan ng komite ang P15.07 bilyong badyet ng COA sa 2026 na mas mababa sa P16.99 bilyon na hinihingi nito upang pondohan ang reporma, information and communications technology modernization, at facility upgrades.
Ayon kay COA, humingi sila ng P1.9 bilyon upang sakupin ang Negros Island Region, implementasyon ng ICT system sa ilalim ng Information Systems Strategic Plan, at pagtatayo ng bagong regional at field offices.
“Under the approved NEP allocation, PHP13.04 billion is allotted for personnel services, PHP724.93 million for maintenance and other operating expenses, and PHP112.37 million for capital outlay. An additional PHP1.195 billion is allocated for Retirement and Life Insurance Premiums,” ayon sa COA.
Ayon kay Gatchalian, nagsisilbing “last line of defense” ang COA laban sa corruption at inefficiency kaya hiniling nilang panatilihin ang reporma upang maibalik ang pagtitiwala ng publiko sa paggasta ng gobyerno.

“Ang COA is the last line of defense and umaasa kami lahat sa inyo na itong 2026 and beyond ay hindi na mauulit itong nakita natin,” aniya.
Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews
