NATIONAL BUDGET, GAGAWING MAS DETALYADO vs CORRUPTION – Gatchalian

0

Ni Ernie Reyes

Isinusulong ni Senador Win Gatchalian ang mas detalyadong line items sa iminungkahing pambansang pondo para sa 2026.

Aniya, ang mataas na antas ng ‘granularity’ ay mag-aalis sa anumang espasyo para sa diskresyon na posibleng maging pagkakataon para sa katiwalian.

“Gawin natin ito bilang isang panawagan sa pagbabago para repormahin ang ating pagpapangalan, proseso, at implementasyon ng budget,” sabi ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, sa  nakaraang pagpapatuloy ng pagdinig sa budget ng DPWH.

Tinutukoy ng senador ang mga iminungkahing proyekto tulad ng mga farm-to-market road (FMR) na walang tiyak na detalye, gaya ng station number,  coordinates, at tinatayang haba, na maghihiwalay sa mga ito mula sa ibang proyekto sa imprastraktura.

Bilang pagbibigay-diin sa pangangailangang maitaas ang antas ng granularity, pinunto ni Gatchalian na ang isang iminungkahing proyektong daan para sa 2026 na may parehong pamagat tulad ng isang proyektong daan na napondohan na sa ilalim ng budget noong 2025 ay nagbibigay ng butas para sa iregularidad o katiwalian.

“Dapat pagdating sa budget, wala nang room for discretion. Kapag approved na ‘yung budget, i-implement na lang nang tama. Ganyan ang ginagawa natin ngayon, nilalagyan ng detalye para walang daan para sa mga corrupt officials na paglaruan ang generic titles,” diin niya.  

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *