Pilipinas napapahiya sa abroad sanhi ng circus sa flood control probe

0

Ni Ernie Reyes

Nagbabala si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Huwebes na nasisira na ang imahe ng Pilipinas sa ibang bansa dahil sa paraan ng paghawak ng gobyerno sa mga imbestigasyon sa katiwalian na “parang circus.”

“As a minority leader, my main concern now is how the world sees us,” ani Cayetano sa panayam.

“We have more than ten million Filipinos abroad, and so many traveling every day. But the way we’re doing it, na parang circus araw-araw, lubusan na naaapektuhan ang image ng ating bansa,” dagdag niya.

Ayon kay Cayetano, masyado nang nagiging palabas ang paraan ng pamahalaan sa pagresolba sa mga kaso ng katiwalian.

“Hindi sustainable y’ung paraan kung paano natin ina-address ang massive corruption… Kailangan may major reforms, tunay na pagbabago, at may makulong,” wika niya.

Binanggit din ng senador na lumalampas na sa politika ang isyu at nakakaapekto na sa reputasyon ng mga Pilipino sa buong mundo.

“Filipinos who travel are being mocked, and people are saying we’re corrupt. If you count everyone involved, maybe it’s not even ten thousand people. But because of the way this is being handled, all 110 million Filipinos are being judged,” aniya.

Hinimok niya ang mga institusyon ng gobyerno na isagawa ang mga imbestigasyon nang patas at may disiplina upang maibalik ang tiwala ng publiko sa tuntunin ng batas.

“We have to stop being distracted and start being decisive,” giit niya.

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *