3Days Rally ng INC, KASADO NA!
Kasado na ang tatlong araw na rally ng mga taga INC na may temang “Peaceful Rally for Transparency” at target na gaganapin sa Nobyembre 16 hanggang 18, 2025.
Sa mga araw na ito magtitipon-tipon ang mga myembro ng INC mula sa ibat ibang distrito at karatig distrito ng Metro Manila, sa EDSA People Power Monument sa Quezon City at sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila.

Ang pamahalaan ng Maynila ay nangako namang magbibigay ng perimeter support para sa nasabing Rally na gaganapin sa Rizal Park, humiling narin ang grupo sa Pamahalaang pang lungsod ng Quezon City na payagan sila sa pagdaraaos ng rally sa EDSA People Power Monument.
Target ng INC na ang nasabing rally dadaluhan ng nasa 300,000 na kaanib bawat araw, at tinitiyak nila na magiging mapayapa at maayos ang pagtitipon.
Darwell Baldos nag-uulat para sa RoadNews
