EPIRA review, ikinasa sa Senado

Ni Ernie Reyes

Gustong kalkalin ng Senado sa pamamagitan ng kumprehensibong pagsusuri sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001 upang tugunan ang patuloy na hamon sa  energy sector, kabilang nag mataas na halaga ng elektrisidad, naantalang transmission projects, at mahinang implementasyon ng mga regulations.

Sa ginanap na pagdinig ng  Senate Committee on Energy sinabi ni Senador Pia Cayetano na dapat muling suriin ang 20 taong batas upang tukuyin kung epektibo ang safeguards sa gitna na nagbabagong kondisyon sa pamilihan.

 “These problems are consistently brought to our attention and they call for a careful review of whether EPIRA’s original safeguards and requirements such as the public offering and cross-ownership restrictions are still effective and relevant in today’s market condition,” ani Cayetano.

Aniya, isinabatas ang EPIRA upang maging liberal at umunlad ang   power industry na may layunin na tiyakin ang   affordable, reliable, and sustainable electricity para sa Filipino.

“As policymakers, we must ensure that our laws not only encourage investment and innovation but also protect consumers and promote fair competition,” giit niya.

Isinusulong naman ni Senador Sherwin Gatchalian,  ang Pagpapalakas ng implementasyon ng kapangyarihan ng  Energy Regulatory Commission (ERC), partikular ang pagpataw ng multa sa    power companies na responsible sa naantalang proyekto.

 Binanggti niya ang kaso ng  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na pinatawan ng halagang PHP15 million lamang para sa 34 delayed projects.

“The PHP15 million penalty is not enough for a huge transmission operator like NGCP which is earning around PHP17 billion with PHP3.6 billion in declared dividends in 2024,” ani Gatchalian.

Ipinanukala ni Gatchalian na bigyan ang ERC ang kapangyarihan na magpataw ng  multa na katumabas sa lawak ng proyekto at kapasidad ng operator.

Ang NGCP ay isang private concessionaire operating and maintaining sa  national transmission grid, habang ang TransCo, naman ay isang government-owned and controlled corporation na nilikha sa ilalim ng EPIRA, na may-ari ng lahat ng transmission assets.

Ernie Reyes nag-uulat para sa RoadNews