Mindanao Railway, pinabubuhay ni Cayetano sa DOTr: ‘Rural development alalayan’

0

Ni Ernie Reyes

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa Department of Transportation (DOTr) na simulan na ang Mindanao Railway kahit sa maliit na bahagi lang sa ginanap na deliberasyon ng badyet ng ahensiya sa Senado.

Aniya, kailangan ipakita na hindi lang Metro Manila ang pinagtutuunan ng bansa pagdating sa long-term development.

Sa Senate plenary debate para sa proposed 2026 budget ng DOTr nitong Nobyembre 27, tinanong ni Cayetano kung paano masisimulang muli ang proyekto sa kabila ng pagtigil nito dahil sa nabigong negosasyon sa original proponent.

“May I ask if we can do better than that? Maybe there was a leg of the Mindanao Railway that you can do through our appropriations. How can we put some money in 2026 for the study, for the groundwork to start in 2027?” wika ni Cayetano.

Kapag maaga ang pagpondo aniya, maipapakita na hindi nakalimutan ang Mindanao sa gitna ng pagtuon sa Metro Manila para sa sa mga malalaking proyekto sa transportasyon.

“It’s a good signal sa Mindanao na hindi naman tayo panay Metro Manila lang,” wika niya.

Inihalintulad ni Cayetano ang Mindanao Railway sa mas malaking isyu ng pambansang kaunlaran. Aniya, kadalasan inuuna ng mga feasibility study ang mga lugar na maraming tao dahil mas madaling ipakita sa papel na “viable” ang proyekto.

Pero dahil dito, mas maraming tao ang napupunta sa sikip na lungsod tulad ng NCR at Regions III at IV, sa halip na palakasin ang ekonomiya sa ibang rehiyon.

“If we keep building in these red areas (densely-populated), people will still keep moving there. That’s the weakness of feasibility study [because] they’re looking at the financial and the engineering side. But the unintentional consequences, everyone will move to that area,” wika ni Cayetano.

Sa naunang deliberasyon para sa proposed 2026 budget ng DPWH, nagbabala si Cayetano tungkol sa mabilis at hindi planadong urbanization na nagpapahirap sa progress ng maraming lungsod.

Aniya, malinaw na naipapakita ng ibang bansa na pwedeng umasenso ang mga rehiyon nang hindii sumasalalay sa malalaking lungsod.

“We [already] forgot the lesson our elders taught us about rural development,” wika niya.

“In Europe, their rural areas have internet, roads, water, hospitals… For us, if you say ‘rural,’ basically it means agricultural or poor,” dagdag niya. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *