MALAWAKANG KORAPSIYON SA GOBYERNO, MAGPAPAGISING SA KABATAAN – Pangilinan
Ni Ernie Reyes
Malaki ang paniniwala ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na gigisingin ng multi-bilyong pagnanakaw sa kaban ng bayan ang natutulog na kamalayan ng kabataang Filipino tulad ng flood control scandal na muling nasangkot ang ilang senador.
Sa paunang episode ng kanyang Kikonek: The Kiko Pangilinan Podcast “ na matutunghayan sa kanyang opisyal na Facebook page, YouTube at Spotify, sinabi ni Pangilinna na kitang-kita ngayon ang kilos ng kabataan kung paano kuwesetiyunin ang malawakang korapsiyon na nakasentro sa flood control project sa Bulacan.
Ipinunto ni Pangilinan ang ganitong pananawa gamit ang kasalukuyang imbestigasyon sa flood control scandal na itinuturing na pinakamalaking isyu ng korapsiyon na dumagundong sa bansa.
“Fast forward to today, marami sa ating mga kababayan—lalo na ang kabataan—nakikita na maraming mali sa lipunan at naghahanap ng mga sagot sa kanilang mga tanong,” ani Pangilinan.

“Hindi madali ito, but I guess this is the beginning of the end of ignorance or lack of involvement in participation, of indifference ‘pag nag umpisa ka na magtanong.”
“At sana tuloy-tuloy sa paghahanap ng mga sagot,” dagdag ng senador.
Sinabi ng senador na kanyang naiintindihan na hindi nangyayari ang political awakening sa isang iglap o madaling makita ng maraming mamamayan.
“Hindi ka agad mulat. Hindi ka agad malalim ang pananaw. Hindi ka agad politically aware. Kaya ang umpisa is kapag meron ka nang mga tanong,” ani Pangilinan.
Aniya, kahit mismo siya, hindi siya masyadong aktibo sa pulitika.
Nagising lamang siya noon sa reyalidad ng diktaduryang Marcos nang paslangin si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa tarmac at pilit itinatago ng pamahalaan noon.
Kaya nasambit nya noon at nagsimula siyang magtanong “Teka muna, totoo ba yan,” saka inaalala ang balita hinggil sa gunman na nauna pang namatay kay Ninoy at kung ilang mlyong Filipino ang dumalo sa libing habang patungo sa Paranaque na tila itinago ng diktadurya sa mata ng publiko.
Aniya: “It was this event and the succeeding ones that shaped the senator’s role in advocating for youth empowerment, often telling young Filipinos of what they can do to demand change, accountability, and transparency.”
“May mga susunod (sa atin). Kailangan lang natin manatiling nagbibigay ng halimbawa para may mga susunod sa ating yapak,” giit ng senador.
Binanggit din ng senador ang “fatigue” na nararamdaman ng kabataan sa pangyayari saimbestigasyon at pagdinig pero kailangan kumilos para sa kinabukasan.
“We cannot give up on the future of our children and our loved ones. We have to fight,” aniya.
