Senator Lito Lapid, Tahimik pero Performing
KSPHO ni Darwell Baldos
Pumukaw sa atensyon ng KSPHO at ng RoadNews ang kabikabilang pangungutya na ginagawang katatawanan sa Social Media itong si Senator Manuel ‘Lito’ Lapid.
Nitong mga nakalipas na lingo dumaan sa ating feed sa Social Media ang mga post patungkol kay Senator Lapid, dahil sa kanyang pananahimik sa mga mabibigat na isyung kinakaharap ng bansa.
Hindi man nating personal na kilala itong si Sen Lito, ang tanging alam lang natin ay isa itong sikat na aktor at naging gobernador din ng Pampanga, kaya tayo ay nag research sa mga ambag nito bilang isang mambabatas o senador ng Republika.
Tayo ay totoong namangha at nagulat sa ating mga nakita, bukod pala sa pagiging Senator ni Lapid sa loob 18 years ay nag last term siya bilang gobernador ng Pampanga. at 1 term vice governor din pala sya bago umupong gobernador ng lalawigan.
Ngunit ang lubos na hinangaan natin dito kay senator Lapid ay itong mga nagawa niya sa buong paglilingkod bilang senador. Alam nyo ba na ito palang si Senator Lapid, na sa kasalukuyan ay 4th termer na senador, ay nakapag-akda na ng mahigit 1,000 na panukalang batas mga Senate Bill kung baga, kung saan mahigit 100 rito ay nagging ganap na batas na, at pinapakinabangan na ng maraming mga masang Pilipino.
Narito ang ilan sa mga panukalang batas ng Senador na naisabatas na:
· Free Legal Assistance Act of 2010 (RA 9999): Kilalang “Lapid Law”, ito ay batas na nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mahihirap.
· Mandatory PhilHealth para sa mga Senior Citizen (RA 10645): Nagsusulong ng mandatory membership at coverage ng PhilHealth para sa lahat ng senior citizen.
· Financial Products and Services Consumer Protection Act (RA 11765): Nagpoprotekta sa mga mamimili mula sa mapanlinlang na mga kasanayan sa sektor ng pananalapi.
· Foundling Recognition and Protection Act (RA 11767): Nagbibigay ng legal na pagkilala at proteksyon sa mga “foundling” o ulilang bata.
· Pagtatalaga sa Arnis bilang Pambansang Isport (RA 9850): Nagdedeklara sa Arnis bilang pambansang isport at laro ng Pilipinas.
· Labor Rights Education Act (RA 11551): Nagsasama ng aralin tungkol sa karapatang paggawa sa tertiary education curriculum.
· Biometrics Registration Law (RA 10367): Nag-aatas sa paggamit ng biometrics technology para sa voter registration.
· Pag-aamyenda sa Judiciary Reorganization Act (RA 11576): Nagdaragdag ng mga huwes sa ilang hukumang pang-rehiyon upang mapabilis ang paglitis sa mga kaso.
At marami pang iba-
Mapapansin marami sa kanyang mga batas ay direktang nakikinabang sa karaniwang mamamayan. Ang kanyang pinakamatagumpay na panukala, na kilala bilang “Lapid Law” (RA 9999), ay isang malinaw na halimbawa ng kanyang adbokasiya para sa masang Pilipino.
Bilang isang mambabatas, si Senador Lapid ay palaging nangunguna sa bilang ng mga panukalang inihahain. Halimbawa, noong 14th Congress, siya ay pangatlo sa may pinakamaraming inihain na panukalang batas at resolusyon. Sa isang ulat para noong 15th Congress, nakapangalawa siya bilang pinakaproduktibong senador na may 219 na inihaing panukala.
Kaya ang KSPHO at RoadNews ay saludo sa inyo Senador Manuel ‘Lito’ Lapid. Patunay lamang ito na hindi porket tahimik ang isang mambabatas ay wala na itong ginagawa para sa bayan.
Para sa RoadNews ito po ang KSPHO Darwell Baldos nag-uulat sa Bayan
