BBM hinikayat ni Pangilinan sa pag-certify ng 4 sa 48 LEDAC bills: ‘Progressive measures’

Ni Ernie Reyes

Hinikayat ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na-i- certify apat na progressive bills upang mapalakas ang anti-corruption, transparency, at good governance drive ng administrasyon.

Sa interview, sinabi ni Pangilinan nitong Huwebes, na lubos nitong ikinatutuwa ang pagsasama ng kanyang panukalang batas, ang Senate Bill No. 1512 or the Independent People’s Commission (IPC) Act—sa legislative agenda ng Marcos’ administration. 

“It’s a welcome move on the part of the President pero palagay ko, mas aani ng maraming suporta sa mga kababayan natin kapag cinertify niya na urgent yung apat,” aniya. 

Tinutukoy ni Pangilian ang   IPC Act at iba panukala sa legislative agenda ng Pangulo, kabilang ang  Anti-Political Dynasty Bill, the Party-list System Reform Act,  at  Citizens Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Act. 

Aniya, kapag hindi certified as urgent ang apat na panukala, mawawalan nang pag-asang maisabatas ito sa mas lalong madaling panahon.

Inimbitahan si Pangilinan na dumalo sa LEDAC meeting nitong linggo upang ihain ang kanyang IPC Act, panukala ni  Senate President Vicente “Tito” Sotto III pero siya ang nag-isponsor bilang Senate Committee on Justice and Human Rights. 


“Certifying the bill as urgent expedites the legislative process as it waives the requirement of three separate readings on separate days, allowing the second and third readings to happen on the same day” ani Pangilinan.

Pero, kailangan din na magkaroon ng sapat na suporta ang panukala sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso upang maipasa.