Gatchalian umaasang lulutang si Bato sa bicam ng 2026 national budget

Ni Ernie Reyes

NAGPAHAYAG ng pag-asa si Senador Sherwin Gatchalian na lulutang si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa gaganaping bicameral conference committee hearing sa Philippine International Convention Center (PICC) upang talakayin ang 2026 national budget.

Nakatakdang magsanib ng kinatawan ng Mababang Kapulungan at Senado sa PICC simula bukas, December 13 -14, 2025 upang talakayin ang disagreeing provisions sa P6.793 trillion national budget for 2026.
 
“I am hoping na magpakita sya bukas,” ani Gatchalian, chairperson ng Senate Finance Committee, sa virtual interview.

Isa si Dela Rosa na nahalal bilang kinatawan ng Senado sa Bicameral meeting bilang vice chairman ng Senate Finance Committee.

“Hindi naman siya nagresign… unless magreresign ka, ang rule ng committee is kung vice-chair ka automatic kang conferee,” ani Gatchalian.

Nagsimulang lumiban si Dela Rosa matapos ianunsiyo ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nakapagpalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanyang bilang sangkot sa kasong crimes against humanity bilang chief implementer ng Oplan Double Barrel na kumitil ng hihigit sa 30 katao ayon sa ilang international human rights organization.

Inihayag ng abogado ni Dela Rosa, na si  Atty. Israelito Torreon, na umiiwas lumitaw ang senador sanhi ng “his personal safety is at stake” sa gitna ng pagpapalabas ng warrant of arrest ng ICC.

“‘Yung kanyang personal safety is at stake. Maka-speculate lamang ako kasi hindi ako makasabi for him even I am his lawyer. He is just making himself unavailable,” ayon kay Torreon.

Samantala, hindi naman papalitan si Senador Jinggoy Estrada bilang miyembro ng bicameral conference committee matapos itong kumalas sa pagiging miyembro nito. ‘

Isa si Estrada na isinabit sa multi-bilyon anomalya sa flood control scandal na inaasahang makakasuhan sa lalong madaling panahon.


“Walang rule kung ilan. Depende sa chairman kung ilan ang conferrees. Ang sinundan ko lang yung tradition na sinimulan ni Sen. Legarda na pag vice-chair, automatic conferree ka,” he added. 

 
Gatchalian also assured there will be no “secret” bicam or small group meetings between legislators ahead of the scheduled convening on Saturday,” ayon kay Gatchalian.

“Wala. Even among conferees, wala rin eh. Nag-uusap lang kami through texts  or call,” aniya.

Bukod kina Gatchalian, Dela Rosa at Estrada, kasama sa panel sina Senador Mark Villar, Pia Cayetano, JV Ejercito, Loren Legarda, Kiko Pangilinan, Erwin Tulfo, Camille Villar, Christopher “Bong” Go, at Imee Marcos samantalang 11 naman sa House panel.