HINDI KO SISIRAIN ANG PANGALAN KO SA BIGAS – Kagawad Karen Cruz
Ni Iza Aldana
Mariing pinabulaanan ni Kagawad Karen Cruz ng Barangay Rosario, Pasig City ang mga alegasyong ibinabato laban sa kanya sa pamamagitan ng isang pribilehiyong talumpati, kung saan diretsahan at matapang niyang iginiit ang katotohanan at panawagan sa maayos na pulitika sa barangay.
Ayon kay Cruz, mahalagang suriin muna ang mga katotohanan bago magsalita ng mga akusasyong nakasisira sa kapwa opisyal ng pamahalaan.
“Let’s check the facts before we say words that are not good for our colleagues in the government. Gusto ko nang matapos ang ganitong uri ng pulitika,” pahayag niya.
Binigyang-diin ng kagawad ang kanyang paninindigan sa transparency at accountability, kasabay ng panawagang huwag magpadala sa fake news at kasinungalingan.
“Ayaw naming malinlang ang aming mga kasamahan. Ang dapat patunayan ay track record at performance,” ani Cruz.
Ipinagmalaki rin niya na nakapaghain siya ng 10 resolusyon ngayong taon bilang bahagi ng kanyang tungkulin bilang pinuno ng komite sa kalusugan.
“Legislative body kami ng barangay. Ito ang pangunahing trabaho namin,” dagdag pa niya.
Mariin ding itinanggi ni Cruz ang paratang kaugnay ng umano’y pagnanakaw ng bigas.
Sa huli, hinikayat niya ang kanyang mga kasamahan na magsagawa ng sariling pagsusuri kung epektibo pa silang nakapaglilingkod sa barangay at manindigan laban sa maling impormasyon.
“Hindi natutulog ang Diyos. Gusto ko lang magtrabaho at maglingkod nang tapat,” pagtatapos ni Cruz.

