MAS PINALAKAS NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN AT DIGITAL NA SERBISYO, ILULUNSAD NG MARIKINA LGU NGAYONG 2026

0

Ni Buboi Patriarca

Mas pinahusay ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang mga serbisyong panlipunan at pangkalusugan ngayong taon. Sa unang Flag Ceremony ng lungsod, ibinahagi ni Mayor Marcy Teodoro ang mga bagong hakbang upang mas mailapit ang serbisyo sa mamamayan.

Kabilang sa mga inisyatibo ang pagpapalakas ng mga Barangay Health Centers, pagdaragdag ng Alaga Centers, at pagpapalawak ng libreng serbisyong medikal tulad ng gamot, salamin, pustiso, at mas pinahusay na maternal at child care.

Kasabay nito, sisimulan din ang digitalization ng City Hall services sa pamamagitan ng isang Integrated App na kasalukuyang dine-develop. Layunin nitong gawing mas mabilis, malinaw, at transparent ang mga transaksyon ng mga taga-Marikina—mula aplikasyon hanggang iba pang serbisyong lokal.

Inanunsyo rin ni Mayor Teodoro ang paglipat ng City Social Welfare and Development Office o CSWDO sa ground floor ng City Hall, upang mas maging accessible ang serbisyo lalo na para sa senior citizens, indigent families, at mga nangangailangan ng agarang tulong.

Bukod dito, ilulunsad din ang mas pinalawak na Animal Welfare programs, kasabay ng pagbubukas ng Marikina Animal Rescue and Shelter, bilang bahagi ng malasakit ng lungsod sa kapakanan ng mga hayop.

Ayon sa alkalde, ang mga proyektong ito ay patunay ng layunin ng Marikina LGU na maghatid ng serbisyong may malasakit, maayos, at makatao para sa lahat ng Marikeño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *