AFP, Coast Guard, DADAGDAGAN NG PONDO vs BULLYING ng China – Pangilinan

Ni Ernie Reyes

Hiniling ni Senador Francis Pangilinan sa Senado na dagdagan  ang suportang pinansiyal para sa   Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG), dahil mahalaga ang malakas na pondo na kailangan sa pagpapatupad ng ating karapatan sa West Philippine Sea (WPS).

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na kailangan ang karagdagang pondo para pagpapalakas ng depensa laban sa patuloy na panghihimasok at panggigipit ng China sa WPS kahit magkakaiba ang pananaw ng mambabatas kung paano papamahalaan ang tensiyon sa China.  

Binanggit ito ni Pangilinan habang tinatalakay ng Senado ang   Senate Resolution No. 256 on Tuesday, na tumutugon sa statements ng Chinese Embassy sa Maynila laban sa Philippine officials na nagsalita matapos gipitin ng China ang mangingisdang Filipino at sundalo sa WPS.

“Pero kung mayroon tayong mas malawak na network at pondo para sa Coast Guard, isang civilian agency para mapatrolya ang ating mga karagatan, mas lalong lalakas ang ating pag depensa sa ating Exclusive Economic Zone at ang West Philippine Sea,” ani Pangilinan.

Aniya, nananatiling hamon sa Senado partikular sa liderato ng finance committee na tiyakin ang tuloy-tuloy na pondo para sa modernisasyon ng ating depensa.

 “Again, it is a challenge for us in the Senate and the chairman of the Committee of Finance to help continue generating funding or providing funding for the strengthening and modernizing of our defense apparatus, Mr. President,” ani Pangilinan.

Sa 2026, nakakuha ng AFP ng P40 bilyon alokasyon para sa   modernization program, na sumasakop sa pagpapahusay ng kagamitan, logistics, at training.

Aniya, nakaangkla ang matibay na maritime entitlement ng Pilipinas sa batas sa ilalim ng Republic Act 12064, o ang Philippine Maritime Zones Act of 2024, na naka-angkla sa paghahabol ng bansa sa United Nations Convention on the Law of the Sea at 2016 South China Sea Arbitral Award na nagbabasura sa  expansive nine-dash-line claim ng China.

Sinabi pa ni Pangilinan na mahalaga ang diplomasya pero kakaiba ang pagkilos ng China sa WPS base sa sigalot nito sa ibang bansa tulad ng patuloy na Insidente ng water cannon, pagbangga at harassment ng barko ng Pilipinas.

Giit niya, dapat tindigan ng Senado ang   Department of National Defense at AFP, na komondena sa intimidasyon ng Chinese officials.

“The adoption of Senate Resolution No. 256 would signal institutional support for the defense establishment while reaffirming the country’s commitment to upholding the arbitral ruling through lawful and peaceful means,” aniya.

Umani ng suporta ang panukalang resolusyon mula kina   Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, at iba pang senador. 

Maliban din sina Senador Rodante Marcoleta at Robin Padilla na lantarang kumakampi sa China sa kabila ng senador sila ng Pilipinas.