Kiko: AGRI SMUGGLING FINANCIERS, NATUKOY SA PAGLUTANG NG ARREST WARRANTS: ‘PULITIKO SANGKOT’
Ni Ernie Reyes
Nakatuon ang Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform nitong Martes sa financial backer ng multi-bilyong agricultural smuggling sa bansa pagkatapos suriin ang arrest at unserved warrants at bilyong halaga ng ipinuslit na produktong agrikultural na nakaugnay sa kampanya na natuklasan sa imbestigasyon.
Inihayag ito ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pagtalakay ng kaso ng smuggling na nakikitang magkatulad ang pamamaraan na ginagawa sa ibang corruption scandal na kasangkot ang maraming opisyal ng pamahalaan, pribadong sektor at pulitiko.
“I don’t believe that the PHP133 million worth of smuggled mackerel and onions that came in had no financier,” aniya.
Kinuwestiyon ni Pangilinan ang pahayag ng ilang kompanyang sangkot sa multi-billion-peso importations na kumikilos sila nang walang financial backers.
“I also don’t believe that the one who imported billions of pesos like the Atara Marketing Inc. had no financier,” aniya.
Tinalakay ng pagdinig ang dalawang privilege speeches – ni Senador Raffy Tulfo tungkol sa Rice Tariffication Law na naglalarawan ng kabiguan ng batas o may puwang sa implementasyon, at kay Pangilinan hinggil sa krisis sa agrikultura at pagkain.
Samantala, ikinabahala naman ni Tulfo na may ilang indibiduwal at kampanya na patuloy na nagbabalewala sa patawag ng Senado sa gitna ng lumalakas na enforcement measures.
“Parang binabalewala ‘yung hearing natin, The scale of alleged smuggling warranted firm action,” aniya.
Nagpalabas ang komite ng imbitasyon, subpoenas, show-cause orders, at contempt citations laban sa ilang indibiduwal at kompamya na sangkot sa anomalya.
Ayon kay Pangilinan, naaresto si Raiza Lumbang, ang corporate secretary ng Atara Marketing Corporation, ng Philippine National Police (PNP) sa Lubao, Pampanga at nabigyan ng provisional liberty ng komite alinsunod sa ilang pangako at patuloy na pagdalo sa pagdinig.
“The committee will look into Lumbang’s role in a firm that imported about PHP7 billion worth of rice in recent years and paid around PHP1.6 billion in taxes and duties, as the panel seeks to establish responsibility and accountability,” aniya.
Aniya, nakapag-ugnayan ang komite sa Office of the Sergeant-at-Arms, National Bureau of Investigation, at PNP upang isilbi ang warrant of arrest.
“We will continue to follow this up,” aniya.

“The ongoing inquiry in aid of legislation will continue to examine financial links, enforcement gaps, and accountability mechanisms surrounding agricultural smuggling, amid its impact on food supply, farmers’ incomes, and market stability,” dagdag ng senador.
