SEN. IMEE MARCOS: MGA PARATANG, DAPAT ILATAG SA SENADO AT PANUMPAAN
Ni Iza Aldana
Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa mga Pilipinong Marino na ilatag nang malinaw at may ebidensiya ang anumang alegasyon, at dalhin ito sa Senado sa ilalim ng panunumpa, sa halip na idaan sa “trial by publicity.”

Ayon sa senadora, mananatiling lihim ang katotohanan kung hindi ito ilalapag at bubuksan sa tamang proseso. “Bubuksan natin sa Senado ang ‘maleta ng katotohanan’ at sisiyasatin ito ayon sa batas,” ani Marcos.
Iginiit niya na ang paninindigan ng Senado ay hindi para sa personalidad kundi para ipagtanggol ang institusyon at ang bansa. Hinikayat din niya ang mga sangkot na humarap sa Senado upang linisin ang kanilang pangalan at tukuyin hindi lamang ang mga sangkot sa ibaba kundi pati ang mga umano’y mastermind.
Nanawagan din si Marcos ng proteksiyon para sa mga Marino at whistleblower na nangangamba para sa kanilang kaligtasan at pamilya, at binigyang-diin ang pangangailangang matiyak ang integridad ng ebidensiya at ng mga imbestigasyon.
