PNP AVSEGROUP AT OTS, IPINAKILALA ANG “SASUMATA” BILANG NON-LETHAL TOOL SA AIRPORT SECURITY
Ni Iza Aldana
Nagsagawa ng joint media conference ang PNP Aviation Security Group o AVSEGROUP at ang Office for Transportation Security o OTS para ipakilala ang tinatawag na “Sasumata.”
Ginawa ang aktibidad nitong Marso 2 sa PNP AVSEGROUP Multipurpose Gymnasium sa NAIA Complex, Pasay City.
Pinangunahan ito nina PBGen Dionisio Bartolome Jr., Director ng AVSEGROUP, at OTS Administrator Usec. Gilberto Cruz, kasama ang ilang kinatawan ng media.
Ayon sa mga opisyal, ang “Sasumata” ay isang alternatibong non-lethal tool na gagamitin sa police intervention, bilang bahagi ng mas maingat at kontroladong pagpapatupad ng batas sa loob ng mga paliparan.
Layunin ng inisyatibong ito na higit pang palakasin ang seguridad sa mga pangunahing paliparan sa bansa sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon at pagtutulungan ng dalawang ahensya.
https://www.facebook.com/reel/1553845305678246/?s=single_unit
