DUTERTE PARIN ANG DAVAO CITY
DAVAO CITY | Kahit anong paninira at mga black propaganda ang ibinato sa mga Duterte, hindi natinag at pinatunayan ng malapit na matapos na bilangan ng boto na suportado parin ng mga Davawenyo ang kandidatura ng mga Duterte sa kanilang lungsod.
Halos 88% mula sa kabuuang boto ang nakuha ni former president Rody Duterte sa pagka Alkalde ng lungsod laban kay Karlo Alexi Nograles na tumanggap lamang ng halos 11% na boto. Ito ang magiging ika walong termino ni Digong bilang Alkalde ng Davao City.
Gayundin si Baste Duterte na humakot ng higit 88% na boto mula sa mga Davawenyo at inilampaso si Bernie Al-ag na halos 11% lamang ang natanggap na boto sa pagka Vice Mayor ng Lungsod.
Panalo rin sa pagka kongrehista sa 1st District si re-electionist Paolo “Pulong” Duterte laban kay Migs Nograles, mapapansing landslide din ang pagkapanalo ni cong Pulong sa kanyang ikatlong termino.
Malaki rin ang lamang ni Omar Duterte mula sa katunggali nito sa 2nd District ng Davao City na si Javi Garcia Campos.Si Omar ay anak ni Pulong Duterte.
1ST Councilor naman sa unang Distrito ang apo ni FPRRD na si Rodrigo “Rigo” Duterte II. Si Rigo ay anak din ni Cong. Pulong Duterte.
Sa kabuuan, limang Duterte ngayon ang uupo sa lungsod ng Davao. Ang landslide votes na tinanggap ng mga Duterte ay patunay na mahal sila at pinagkakatiwalaan parin ng mga Davawenyos.
Darwell Baldos nag-uulat para sa RoadNews

