44 na Miyembro ng 4Ps, Tumanggap ng Benepisyo sa Ilalim ng Food-For-Work Program

Natanggap na ngayong umaga ng 44 na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang mga relief supplies na naglalaman ng iba’t ibang goods at commodities mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Food-For-Work (FFW) Program. Ang mga benepisyo ay kapalit ng kanilang pakikilahok sa mga gawaing pampamayanan, tulad ng paglilinis sa kani-kanilang barangay.

Pinangunahan ni Mayor Kelvin T. Chan, kasama ang Municipal Action Team Leader ng DSWD-Pozorrubio na si Sir Frank Aldrin R. Walang, PDO II, at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma’am Joy Jo Ann N. Veniegas, RSW, ang pamamahagi ng tulong. Nagbigay din sila ng maikling mensahe para sa mga benepisyaryo.

Layunin ng programa ng DSWD na mapabuti ang food security at nutrisyon ng mga pamilyang nasa laylayan ng lipunan. Sa pamamagitan ng FFW, nakakatulong ang mga benepisyaryo sa kanilang komunidad habang tumatanggap ng suporta para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

(Larry F. Rosales)

#DSWD #4Ps #FoodForWork #Pozorrubio #LocalGovernment #CommunityService

(Photo courtesy of Mayor Kelvin T. Chan fbpage)