Cauayan City PNP, Naglunsad ng School Visitation at Lecture sa Cauayan City National High School
Cauayan City, Isabela | Bilang bahagi ng Oplan Balik Eskwela 2025 at sa pagdiriwang ng 30th PCR Month, nagsagawa ng school visitation at lecture ang mga personnel ng Cauayan Component City Police Station sa pangunguna ni PLT JUDIVINA A. BALLESTEROS, C, CAD.
Ginanap ang aktibidad sa Cauayan City National High School, Brgy. Turayong, Cauayan City, Isabela, kung saan tinalakay ang mga mahahalagang paksa tulad ng RA 8353 o Anti-Rape Law, Drug Awareness, at Anti-Smoking/Vaping sa mga Grade 7 students.
Layunin ng programa na bigyan ng kamalayan ang mga mag-aaral sa mga batas at peligrong dulot ng ilegal na droga at bisyong paninigarilyo at pagba-vape. Binigyang-diin din ang kahalagahan ng pagiging alerto at responsableng mamamayan sa ilalim ng temang “Sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas Ka”.
Nagpasalamat ang pamunuan ng paaralan sa inisyatibo ng kapulisan na maghatid ng kaalaman at gabay sa mga kabataan. Patuloy ang Cauayan City PNP sa pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad upang mapanatiling ligtas at maayos ang kapaligiran ng mga estudyante.
Ang nasabing aktibidad ay ginanap ngayong July 3, 2025, bilang suporta sa adhikain ng Philippine National Police na makapaghatid ng serbisyong may malasakit sa komunidad.
(Weng Torres)




(Photo Courtesy of Cauayan City PS)
