Bise Alkalde ng Ibajay, Aklan, Patay; Kapartidong SB Miyembro Suspek!

Ulat ni Tito Lucas

Napatay si Ibajay, Aklan Vice Mayor Julio Estolloso matapos siyang barilin sa kanyang opisina sa Poblacion kaninang 9:00 a.m. ngayong Biyernes, August 8. Ayon sa Ibajay PNP, agad siyang dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival bandang 10:23 a.m.

Kinilala ang salarin bilang si Mihrel Senatin, kasalukuyang miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) ng bayan. Giit ni Ibajay Chief of Police P/Maj. Rajiv Salbino sa News5, walang malalimang hidwaan ang dalawa at magkaalyado pa sila sa pulitika noong nakaraang eleksyon.

Nasa kostudiya na ng awtoridad ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon sa motibo at pangyayari sa likod ng pagpatay.

Tito Lucas para sa RoadNews