LALAKING WANTED SA CANDON ILOCOS SUR, ARESTADO SA STA BARBARA PANGASINAN

Ni Edizon Cansino

Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL MICHAEL S DATUIN, Hepe ng Sta. Barbara MPS, bandang alas-10:20 ng umaga noong Enero 9, 2026, sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan, nagsagawa ng manhunt operation ang Sta. Barbara MPS katuwang ang Mangaldan MPS na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang suspek na residente ng Brgy. Guilig, Mangaldan, Pangasinan, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng RTC, Candon City, Ilocos Sur, noong Enero 7, 2026, dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide (RPC Art. 365) with Failure to Lend Help, na may inirekomendang piyansa na Php 60,000.00.

Ang inaresto ay ipinaalam ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at dinala sa Mapandan Community Hospital para sa medikal na eksaminasyon bago pansamantalang ikulong sa himpilang ito.

#BagongPilipinas #PRO1RegionalDirector #PDPangasinanPPO #pangasinanpoliceprovincialoffice #PhilippineNationalPolice #PoliceRegionalOffice1Official