GINANG NA WANTED SA KASONG ILLEGAL RECRUITMENT AT ESTAFA ARESTADO!
Ni Edizon Cansino
Sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL MICHAEL S DATUIN, Hepe ng Sta. Barbara MPS, bandang 8:20 ng umaga noong Enero 5, 2026, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Sta. Barbara Municipal Police Station ang isang wanted na indibidwal sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan sa bisa ng mga warrant of arrest.
Ang nasabing indibidwal ay may mga kasong Illegal Recruitment at Estafa na inisyu ng iba’t ibang sangay ng Regional Trial Court sa Dagupan City, na may kaukulang rekomendadong piyansa.
Ang pagsisilbi ng warrant ay naitala alinsunod sa patakaran ng Korte Suprema. Matapos ipabatid ang kanyang mga karapatan, isinailalim ang inaresto sa medikal na pagsusuri bago pansamantalang ikinulong sa Sta. Barbara MPS.
Patuloy ang Sta. Barbara MPS sa masigasig na pagpapatupad ng batas at pagbibigay ng seguridad sa komunidad.

#BagongPilipinas #PRO1RegionalDirector #PDPangasinanPPO #pangasinanpoliceprovincialoffice #PhilippineNationalPolice #PoliceRegionalOffice1Official
