LALAKING WANTED SA STA. BARBARA PANGASINAN; ARESTADO
Ni Edizon Cansino
Sta. Barbara, Pangasinan | Dakong 7:50 ng gabi noong Enero 19, 2026, sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan, ang pinagsanib na puwersa ng Sta. Barbara MPS at Calasiao MPS ay nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek mula Brgy. Alitaya, Mangaldan, Pangasinan, sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Municipal Trial Court, Sta. Barbara, Pangasinan, para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries, Slight Physical Injuries, at Damage to Property, na may inirekomendang piyansa na PhP 36,000.00.
Ang pagsisilbi ng warrant ay naitala sa video alinsunod sa umiiral na alituntunin ng Korte Suprema. Ang suspek ay ipinaalam ang kanyang mga karapatan at dinala sa Mapandan Community Hospital para sa medical examination bago ang pansamantalang pagkakakulong sa istasyong ito.

#BagongPilipinas #PRO1RegionalDirector #PDPangasinanPPO #pangasinanpoliceprovincialoffice #PhilippineNationalPolice #PoliceRegionalOffice1Official
