KAMPANYAHAN SA 2025 MIDTERM ELECTIONS MAGSISIMULA NA

NAGLABAS na ng official calendar of activities ang Commission on Election (Comelec) sa nalalapit na 2025 Midterm Elections sa darating na Mayo 12, ng taong kasalukuyan. Base sa calendar, ang election period ay nagsimula na noong nakaraang Enero 12, 2025 at magtatapos sa Hunyo 11, 2025. Kaugnay nito, ang gun ban ay magiging epektibo sa loob ng limang buwan. Matatandaan mula Oktubre 1 hanggang 8, 2024 ang atakbo para sa nasabing eleksyon ay naghain ng kanilang certificates of candidacy habang ang partylist group ay nag-file ng kanilang certificates of nomination and acceptance. Ang campaign period para sa mga senador at partyllist groups ay magsisimula mula Peb-rero 11, hanggang Mayo 10, 2025. Ang kampanyahan naman para sa mga kandidato sa House of Representatives, provincial, city at municipal offices ay magsisimula Marso 28, 2025 hang-gang Mayo 10, 2025. Sa overseas voting ay magsisimula sa Abril 13, 2025 hanggang Mayo 12, 2025 habang ang botohan para sa local absentee voters ay mula Abril 28 hanggang 30, 2025. Samantala, ang pag-inom ng mga nakakalasing ay ipinagbabawal sa bisperas ng eleksyon hanggang sa araw ng halalan na mismo. (Joselito Amoranto)