BCP 23RD FOUNDATION DAY CELEBRATION BINATIKOS!

PATULOY na dinadagsa ngayon ng batikos ang isinagawang 23rd Foundation Day Celebration ng BESTLINK COLLEGE OF THE PHILIPPINES (BCP) na kung saan ay isinagawa sa isang resort sa lalawigan ng Bataan noong Linggo, Enero 26, 2025.

Umalis nang madaling-araw nung Linggo ang nasa mahigit sa 30k mga estudyante ng BCP na sakay ng nasa mahigit kumulang 400 bus mula sa pick-up point nito sa may SM Novaliches, SM Fairview at sa BCP Campus sa Quirino Highway, Novaliches, sa Quezon City.

Ang nasabing malakihang event na ito ay nagdulot ng matinding trapiko sa nabanggit mga lugar. Nauna rito, pinagbayad ng tig-900 pesos ang bawat estudyante para lang makasama sa naturang okasyon ng BCP.

Pagdating umano sa lugar kung saan gaganapin ang okasyon ay wala umanong nanguna mula sa management ng BCP para maging maayos ang mag-aaral na dadalo sa foundation day celebration.

Dahil sinalubong ng mga estudyante ang mainit na araw, sinabayan ng puyat sa kanilang biyahe, pagod at gutom ay mayroon sa kanila ang hinimatay.

Ayon sa sumbong ng ilang mga estudyante, wala umanong nagaasikaso sa kasamahan nilang nahihimatay maliban sa kapwa nilang mga mag-aaral. Mayroon naman daw silang nakitang ilang kagawad ng fire department subalit hindi nito kinaya sa dami ng mga estudyanteng sumama sa okasyon.

Ayon naman sa mga magulang hindi na umano nadala ang BCP na minsan nang nasangkot sa aksidente ang Panda Coach bus na sinasakyan ng kanilang mga mag-aaral sa kanilang isinagawang field trip sa Tanay, Rizal noong 2017.

Ang nasabing field trip ay ikinamatay ng 14 mga estudyante at driver nito, ikinasugat ng 40 mahigit pang kasama sa sasakyan.

Dahil sa aksidenteng ito ang Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) moratoriums sa field trips para taong 2016-17 school year.

Sa kabila ng aksidenteng ito ay hindi pa rin tumigil ang BCP sa kanilang out-of-town activities tulad nang naganap nilang 23rd foundation day celebration na ginawa sa isang resort sa Bataan na marami ang hinimatay na mga estudyante.

Sa okasyon ay maraming mga magulang ang nag-alala sa kanilang mga anak dahil sa inabot ng mga ito na pagod, gutom at nalagay pa sa panganib ang mga ito. Kaya marami umanong napipilitan sumama sa mga out-of-town activities ng BCP ang mga estudyante dahil pag hindi sila sumama ay binibigyan sila ng maraming assignment ng kanilang mga guro at propesor, binabantaan din sila na ibabagsak sila sa kanilang mga subject.

Dahil dito, nananawagan na ang mga estudyante sa CHED at mambabas na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa maling patakaran ng BCP na naglalagay sa panganib ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, naglabas na rin ng Statement ang Quezon City Government sa isinagawang malakihang okasyon ng Bestlink College.

(Joselito Amoranto)

Photo credit to Quezon City Government www.quezoncity.gov.ph