Masangkay, 5-anyos na powerlifter, umagaw atensiyon sa National Powerlifting

UMAGAW atensiyon at paghanga ang dalawang 5-taong gulang na powerlifter na sina Queencess Euhanne Masangkay at Filipino Indian na si Daani Yet Agnihotri sa katatapos pa lang na 2025 National Interschool & Novice Cup Powerlifting Championships na ginanap sa Sta Lucia Mall, Cainta Rizal. Binuhat ni Masangkay sa 31kgs girls developmental category ng Deadlift competition kahit may bodyweight lamang na 16kg na timbang kung saan napahanga nito ang mga manonood dahil sa Squat pa lamang ay inangat nito ang 25kg na lagpas din sa bodyweight.

Ang pinakabata at bagong sali na atleta ng Cyber Muscle Gym Team na si Masangkay ay bumuhat din sa Bench Press ng 10kg at sa Deadlift ng 40kg para sa total na 75kg para masungkit ang gintong medalya. Si Euhanne ay anak ng dating World Powerlifting Record Holder Joan Masangkay na nakagawa din sa history ng World Powerlifting C’ships na ginanap nuon 2017 Killein, USA. Ang Cyber Muscle Gym head coach na si Cirilo Dayao ang coach din ngayon ni Euhanne Queencess Masangkay na humubog din sa kanyang ina na si Joan.

Nakabuhat din ang kapwa 5-taong gulang na teammate ni Masangkay na powerlifter at weightlifter na Pilipino Indian na si Daani Yet Agnihotri sa bodyweight naman na 19.35kg sa kategorya na Squat ng 22.5kg na lagpas din sa bodyweight nito at sa Bench Press na 10kg, at sa Deadlift na 30kg para sa kabuuang -62.5kg para sa pilak na medalya. Ito ang kauna unahang may sumali sa PAP (Powerlifting Association of Philippines) na 5-taon na batang babae.

Nagwagi din si Khieszia Dhanielle Narral sa 43kg High school division ng gold medal sa pagrepresenta nito Ramon Magsaysay Highschool kasama sina Ronald Maye Jr. sa 48kg at si Justine Marc Balantad-59 kg novice div. (Lianne Encarnacion)