Pulis na sangkot sa P6.7-B Drug Haul saWPD LENDING TINUTUGIS NA NG TF 29

Makalipas ang dalawang taon ay bumuo na ng Task Force 29 ang Philippine National Police (PNP) na tutugis sa mga pulis na nasasangkot sa illegal na shabu na nagkakahalaga ng P6.7 Billion sa Maynila noong 2022.
Ang pinaghahanap na ngayon ng PNP TF 29 ay ang 29 na pulis na nasangkot at kinasuhan sa P6.7 billion drug haul sa Maynila noong Oktubre 2022. Ayon kay Department of Interior and Local Govern-ment (DILG) Secretary Jonvic Remulla itinatag ng PNP ang TF 29 para siya ang maghabol sa mga pulis na nagtatago sa batas. Sinabi pa ni Remulla na may task force na si PNP Chief Gen. Rommel Fran-cisco Marbil para makuha lahat ang mga akusado sa P6.7-B shabu.
Ipinag-utos na ng Manila Regional Trial Court ang pag-aresto sa 29 na pulis na sangkot sa P6.7 billion drug haul sa WPD Lending sa Tondo, Maynila. Kabilang sa mga dapat arestuhin ng PNP TF 29 ay sina PLt.Gen. Benjamin Santos, Jr.; PBGen. Narciso Domingo; PCol. Julian Olonan; PLt.Col. Dhefry A. Punzalan; PLt. Jonathan G. Sosongco; PMSG Carlos C. Bayeta; Pat. Hustin Peter A. Guiar; Pat. Rommer I. Bagurin; Pat. Hassan O. Kalaw; Pat. Dennis L.Carolino; PCpl. Joshua Ivan Baltazar; Pat. Nathaniel Gomez; PLt. Ashrap T. Amerol; PSMS Jerrywin H. Rebosora; PSMS Marian E. Mananghaya; PMSG Lorenzo S. Catarata; PSSG Arnold D. Tibay; PCol. Arnulfo G. Ibanez; PLt. Col. Glenn Gonzalez; PMaj. Michael Angelo C. Salmingo; PLt. Radolph A. Pinon;Pat. Mario M. Atchuela; Pat. Windel C. De Ramos; PLt. Silverio P. Bulleser II; PCMS Emmanuele E. Docena; PMSG Alejandro F. Flores; PCpl. Jhan Roland L. Gelacio; Pat. James G. Osalvo at Pat. Darius R. Camacho.
Inirekomenda ng korte sa nabanggit na mga pulis na magpiyansa ng tig-P200,000 bawat isa. Sa inilabas na warrant of arrest ni Manila RTC Branch 44 Judge Gwyn Calina, ang 29 na pulis ay kinasuhan sa paglabag sa Section 91 ng Republic Act No. 9165, ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Inantala at nililihis ng mga pulis na ito ang ebidensiya na nakuha mua kina MSgt. Rodolfo Mayo at isang Nelly Atadero. Lumalabas na pinagparte- partehan ng mga pulis ang nasabat na droga na unang sinasabing umaabot sa isang tonelada hanggang sa maging 990 kilos na lamang. Ibang klase na ang mga pulis natin ngayon, wala na silang kaibahan sa mga awtoridad sa Mexico na sila na mismo ang nagpoprotekta sa mga illegal na operasyon ng drug lord sa kanilang bansa na si alyas El Chapo.
Kahaharapin din ng mga pulis na ito ang kasong planting of evidence na paglabag sa Section 29 of RA 9165. Sana nga mahanap ng TF 29 ang mga tiwaling pulis na ito, at sana magkaroon ng life style check sa kanila para masilip ang yaman nila.