6e37ede0-fa65-4474-b011-e67cf671f416

Ngayong panahon ng pambansang halalan, hanggang sa lokal, ay punong puno nanaman na pangako ang mata-tanggap ng mga tao. Nariyan ang pangakong pangkabuhayan, pangkalusugan, Sigaw lagi ay pagbabago at marami pang Iba!

Magkabilaang partido ng mga tumatakbong pagka-Senador, Gobernador, Congressman at maging Mayor at mga konsehal ay nangangako ng ibat-ibang bagay.

Sa pagkakataong ito alamanin at magkomento po tayo kung ano talaga ang layunin ng mga kumakandidato.

Hindi po ba kapag sinabing serbisyo ay walang sweldo o kapalit na halaga ang ginagawa mong serbisyo?

Ngunit halos lahat ng mga kumakandidato ang nagsasabing mayos at tapat na serbisyo ang kanilang idudulot sa tao? Di ba dapat tapat na pagtatrabaho dahil sila sumusweldo ng higit pa sa minimum wage?

Kaya’t minsan parang tayo pa ang may utang na loob sa mga nanalo.

Sa kaalaman po ng lahat anumang mga proyekto ang ipinigawa ng pulitikong nanalo sa lugar nyo, tandan natin hindi po nila personal na pera yan, pera yan galing sa kaban ng bayan.

At totoo may mga porsyento pa yan na tinatawag na SOP. Kaya dito natutukso ang marami na tumakbo sa ibat-ibang posisyon sa gobyerno.

Ngunit ang katotohan ay Hindi naman sapat ang kanilang kaalaman upang tupdin ang responsibilidad na sa kanila ay nakaatang.

Mapapansin po ninyo ang mga nanalo ay biglang angat ang kabuhayan nagkaroon o dumami pa ang ari-arian yan ang katotohan!

Kayat Mga botante po ng mahal na bayang Pilipinas siyasatin po maigi kung sino ang inyong iboboto at wag ng magpapaloko!