BAKIT ANG DAMING NAGHAHABOL NA PUMIRMA SA IMPEACHMENT KAHIT SAPAT NA ANG NAKUHA PARA MAIDALA SA SENADO?

mrr

NAPAKADAMING haka-haka na my perang involve kung bakit napakaraming pumirma laban kay VP Sarah Duterte. Sabi ng iba billion o trillion pa daw ang inubos na budget para rito. Sabi nga nila para hindi ka tanggihan (you give the offer that they cannot refuse). At sino kaya ang nag-alok at gumastos?

Kung mayroon man! Totoo palang mayroong iilan dyan na may interest at ginagamit din ito ng karamihan na para din sa sariling pakinabang. Sabagay sabi nga nila, “MONEY MAKES KING” kaya tanong natin ulit, sino kaya itong nagaambisyon na maging Hari? Aba malakas ang dati-ngan nito, malamang sa malamang matagal nila itong plinano.

Sa araw araw naman natin na pagikot at pakikipagusap sa mga nasa paligid, napapansin natin ang iba mamamayan na nagsasabing dapat lamang daw na ma-impeach si VP Sarah dahil sa mga hindi maipaliwanag na paggastos ng confidential fund; Ang mabigat ay ang pagbabanta raw sa buhay ng pangulo; At kung ano ano pa na mga binibintang sa kanya.

Dahilan umano ito kaya ang majority ng lower house ay nagsipirma sa kanyang impeachment at nakalikom ng labis na bilang upang agad itong maikayat na sa senado. May mga humabol pa!

Tanong ngayon ng karamihan, sino ba talaga ang tama at dapat masusunod ang COA ba? Na nagsasabing naipaliwanag na mabuti ng kampo ni VP ang kanilang expenditures at cleared na daw sila. O ang congress at ang kanilang mga pagiimbestiga?

Sabi nga ng ilan, sa pagiimbistiga na laging my kasamang pananakot at pagsigaw, samahan pa ang pagcontempt sa mga sagot na hindi nila gustong marinig. Dapat yata daw ang isasagot lamang daw ay yung mga naka-align lamang sa gusto nilang marinig at nakaalinsunod sa gusto nilang output. Ito ba yung sinasabi nilang IN AID OF LEGISLATION???

Habang may mga mambabatas naman na nagbigay pa ng paliwanag sa publiko para sa tingin nila ay tamang desisyong kanilang ginawa. Ang pabor at paglagda daw nila sa impeachment ay pagpapakita daw ng pagsasawata sa korapsyon.

Tanong naman ng karamihan, bakit si VP lang ang napag-iinitan? kung halos lahat naman daw ng nakaupo sa gobyerno ay may bahid ng ng katiwalaan?

Hindi ba ito institution o kalakaran lamang na kapag hindi ka kayang i-control, ikaw ay kanilang pagkakaisahan.

At bakit madami pang humahabol na pumirma? tanong pa ng iba. Hindi kaya may sangkot na pera kapalit ng kanilang pirma? O tunay lamang na pag-papakita lang ito na talagang kumbinsido sila na ang pagpirma nila ay ang tamang gawin para magampanan nila ang kanilang sinumpaang tungkulin sa kongreso (IN AID OF LEGISLATION).

Ang nakakainis dito sa part ni Cong. Zandro Marcos, nang siya ay tanungin kung bakit siya ang unang pumirma. Mali ba na sya ang mauna? Lumugar tayo sa katayuan nya, ikaw ba naman pagbantaan na papatayin ang mga magulang at papahukay pa sa libingan ang mga labi kanyang lolo at dating Presidente Ferdinand Marcos Sr, at itapon pa sa West Philippine Sea, natural lamang na siya unang matutuwa sa desisyon ng majority.

Sa isang panayam naman kay VP Sarah Duterte ay sinabi nitong mas masakit pa ang iniwan ng girlfriend o boyfriend kesa ma-impeach sa kongreso.

Ayon sa mga analyst (kuno) pagpapakita daw ito na hindi niya sineseryoso ang mababang kapulungan at pambabastos daw ito. Sabi naman ng iba (Supporters) kasi daw kampante siya dahil malinis daw siya at alam niyang malulusutan niya ito, kasama ng mga 32 milyong naniniwala sa kanya.

Ano man ang kahihinatnan ng kanilang ginagawa at desisyon, iisa lamang ang talo. TAYO! tayo na mga mamamayang nagbabayad ng buwis. Tayong mga nagsasakripisyo para sa bayan ang totoong TALO. Tayo na mga mamamayang nagagamit para sa pansariling interest ng iilan. Tayo ang talo! Sapagkat ang mga resources na galing sa gobyreno na dapat ay maitulong na lang sa mga kapos at nangangailangan ay lulustayin lang para sa interest lang ng iilan.

Ang mga nakalap na impormasyon na ating naisulat dito ay pawang opinyon lang, para sa mga suhestyon at reaction maari pong iparating sa 09270754691