Pangako at Pagkatao, Kilatisin bago iboto!

ILANG araw nalang nariyan na naman ang mga pulitikong lalapit, kakaway, makikipagkamay, magbibigay, mangangako ng kahit ano, para lamang sila ay ating iboto. Kapag daw sa pwesto sila ay maupo ang kanilang mga binitawang pangako ay kanilang gagawin.
Mga datihang kandidato na nailuklok na sa pwesto, ang tanong nasaan na ang kanilang mga pangako? Tapos na naman ang kanilang termino, sa dami ng kanilang pinangako sa atin mangilan-ngilan lang, at sa iba ni isa walang nagkatotoo. Meron din mga bagitong pulitiko na ngayong halalan lang makikihalubilo, mga suntok sa buwan din kung mangako, ewan nalang kung magkatotoo.
Tulad noong nakaraang halalan landslide ang natanggap nilang boto. Pinanghawakan ang pangakong Build Better More at bente pesos na bigas, nakalahati na ng termino wala paring natutupad sa mga pangako, pero maraming flood control project ang sa naririnig natin ang di-umano ay tumayo pero di makita at hindi rin maramdaman ang epekto.
Kaya mga kababayan, gising na tayo! Siyasating maigi ang kanilang mga PANGAKO! Makatotohanan ba? Kakayanin ba? Isaalang-alang narin natin ang kanilang mga PAGKATAO. Marunong bang tumupad yan sila sa pangako? Baka naman uunahin pa nila ang sarili nila, bago ang binitawang pangako. Pangakong pabahay tapos nauuna ipatayo ang sariling bahay. Pangakong hanapbuhay, tapos nauuna ang kanilang kumisyon sa mga proyekto. Pangakong modernisasyon pero magkano ang kumisyon.
Sa usaping pagkatao at pangako pumukaw ng aking atensyon itong isang Parly-list na baguhan pa lamang at ngayong eleksyon pa lang sasabak.
Minsan na itong humataw at umingay sa masa dahil sa mga pangako nitong plataporma. Sa haba ng listahan ng party-list itong LIGA NG NAGKAKA-ISANG MAHIHIRAP ay lumitaw sa isinagawang survey ng Insight Pioneers noong Disyembre 2024.
Usisahin natin sino ba itong Party-list na ito?
Si Norris John Okamoto, na sya ring nasa likod ng Norris John Vlog sa Youtube, ang tumatakbong first nominee ng Liga ng Nagkakaisang Mahihirap Party-list.
Sa paguusisa ng KSPHO, ito palang si Okamoto ay nahalal na kapitan ng Don Mariano Marcos sa bayan ng Bayombong, at sa kanyang termino madami na rin syang nagawang tulong sa kanyang mga kababayan.
Maging sa kanyang paggamit sa Social Media bilang vlogger, di narin mabilang ang kanyang mga natulungan. Kahit walang kaakibat na mala suntok sa buwan na pangako, kung anong binitawang salita nitong si Kap Norris ay talaga naman ginagawa.
Sa pag iikot ng KSPHO sa mga pagpupulong ng party-list na ito, nakita naman natin na hindi suntok sa buwan ang kanilang plataporma de gobyerno at may malinaw na pagkukunan ang grupo upang maisakatuparan ang mga bitbit nilang pangako.
Ito ay base lamang sa aking nakikita at nararamdaman. Ang inyong mga komento at suhestyon ay maaring ipag bigay alam sa ating tanggapan.
Kayo din ay inaanyayahan kong magsuri sa party-list na ito.
112 “LIGA NG NAGKAKAISANG MAHIHIRAP” PARTY-LIST