BIR WAR VS GHOST RECEIPTS, ILLICIT VAPE AND CIGARETTE PINAIGTING!

cover

INANUNSYO ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., kamakailan ang giyera ng ahensiya laban sa ‘ghost receipts, illicit vape, and illicit cigarettes’ na sila ang magiging sundalo ngayong 2025.

Ang anunsyo ay ginawa na may kaugnayan sa pahayag ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa BIR Kick-Off event noong nakaraang Martes, na ang mga indibiduwal at kum-panyang nagsasagawa ng pandaraya sa buwis ay mananagot.

“The Run After Fake Transactions led to the filing of cases against ghost sellers and buyers and the collection of more than P4.3 billion, a significant jump from the more than P600 million collected in 2023,” ayon pa sa opisyal.

Ang pagsugpo sa ipinagbabawal na kalakalan ng sigarilyo, vape, at iba pang exisable goods ay humantong sa koleksyon ng mahigit P110 milyon noong nakaraang taon. “I have said this before: We will hold those who continue to circumvent our system accountable,” ani President Marcos Jr.

Ang Run After Fake Transactions (RAFT) task force ay lubos na matagumpay, na nagaambang sa makasaysayang pagtaas ng boluntaryong pagsunod sa koleksyon ng Value Added Tax (VAT) noong 2024.

Ang pagtaas sa VAT collection noong 2024 na pinangunahan ng BIR para maabot ang target na koleksyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) noong nakaraang taon, ang kaunaunahang pagkakataon matapos ang mahabang panahon.

Simula 2024, ang Department of Juctice (DOJ) ay regular na naglalabas ng mga paborableng desisyon kaugnay ng mga kasong kriminal na inihain ng RAFT task force laban sa mga mamimili ng Ghost Receipts.

Ang DOJ ay nagsampa ng mga kasong kriminal laban sa mga mamimili ng Ghost Receipts, at marapat lamang na ang mga Korte ay maglalabas ng mga warrant of arrest laban sa mga responsableng opisyan ng korporasyon.

“The BIR’s War against Ghost Receipts led the way in achieving our DBCC collection goal for 2024. We experienced a historic increase in VAT collection because of our RAFT task force. The DOJ has also released decisions in favor of BIR’s criminal cases against buyers of Ghost Receipts. Warrants of arrest will follow. We are grateful to President Marcos and DOJ Secretary Boying Remulla for their support in the BIR’s war against Ghost Receipts” ayon pa sa pahayag ni Lumagui.

Iniulat ni Commissioner Lumagui na mayroon nang ilang aktibidad sa pagpapatupad na binalak para sa 2025 laban sa paglaganap ng ipinagbabawal na vape at sigarilyo. “For 2025, the BIR will continue to raid stores, warehouses, and establishments found to have illicit vape or cigarettes. This includes the taking down of illicit vape or cigarettes found online. It does not matter whether the criminal is engaged in large-scale or small-scale operations. Both are criminal operations. ” banggit pa ng hepe ng BIR.

Ang BIR ay marami nang nagawang pagsalakay laban sa laban sa ilegal na sigarilyo noong nakaraang taon. Kabilang sa mga sinalakay ng BIR ay 3 warehouses at factories sa Cavite na may halagang 5.4 billion pesos na may pananagutan sa buwis noong nakaraang Pebrero 2024.

Makalipas ang dalawang buwan, sunod na sinalakay ng BIR ang warehouses sa Agusan del Sur at Surigao del Sur, ay may kakaharapin kasong kriminal at 219 million pesos na tax liability.

Nagsagawa rin ng pagsalakay ang BIR sa warehouses sa Caloocan at Quezon City noong Setyembre 2024 na kung saan 838 million pesos ang pananagutan sa tax ang nadiskubre.

Sa parehong buwan, isa pang pagsalakay sa 4 na malalaking warehouses sa Clark, Pampanga at nadiskubre ang 8 billion pesos na pananagutan sa buwis.

Ang pinakamalaking operasyon ng ipinagbabawal na sigarilyo para sa 2024 ay nang salakayin ng BIR ang sindikato sa isang pabrika at mga bodega sa Bulacan at Valenzuela City noong Nobyembre 2024, 8.5 bilyong piso ang pananagutan buwis ang nakalkula pagkatapos ng nasabing raid..

Joselito Amoranto para sa RoadNews