IMPEACHMENT VS VP INDAY SARA MINADALI?

NAGLABASAN ang mga haka-haka na masyado umanong minamadali ang pagpapababa sa puwesto laban kay Vice President Inday Sara Duterte, matapos na magbotohan ang mga Kongresista sa huling sesyon nila sa Mababang Kapulungan ng Kongreso pabor man sila o hindi.
Sa huling araw ng sesyon ng Kamara noong nakaraang Miyerkules, Pebrero 5, 2025, ay inilatag ni House Secretary General Reginald Velasco sa plenaryo ang ika-apat na impeachment complaint na isinampa at pinanumpaan ng 215 Kongresista.
“The total number of House members verified and sworn before me this impeachment complaint is two hundred fifteen (215) House Members,” ayon Velasco na sobra na sa 102 na kailangan para idiretso ang impeachment complaint sa Impeachment Court sa Senado.
“A verified complaint filed by at least one-third of all the members of the House, shall constitute the Articles of Impeachment and in this case a verified complaint resolution shall be endorse to the Senate in the same manner as approved bill of the House considering the Secretary General has certified that at least 215 members of the House of Representatives has verified and sworn before him the impeachment complaint against Vice President Sara Zimmerman Duterte,” ani House majority leader Jose Dalipe.
“There is a motion to direct the Secretary General to immediately endorse to the Senate the Impeachment complaint having been filed by more than one-third of membership of the House, a total of 215 members. Is there any objection? The chair hears none, the motion is approved,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.
Dahil sapat ang bilang ng mga mambabatas na nag-endorso sa unang tatlong impeachment case na isinampa laban kay Duterte noong December 2024 ay ini-archive na lamang ito at ang 4th impeachment complaint ang inendorso sa Senado.
Kabilang sa nilalaman ng reklamo ang pag-amin ni Duterte na kumausap ito ng assassin na papatay kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at Romualdez, kapag may nangyaring masama sa kanya; malversation of public funds dahil sa hindi maipaliwanag kung saan ginamit ang P612.5 million confidential funds; bribery and corruption dahil sa monetary gifts na ibinibigay nito sa mga opisyales ng Department of Education (DepEd); hindi maipaliwanag na paglago ng kayamanan; dahil sa pagkakasangkot sa extra-judicial killings sa Davao City; at destabilisasyon, insurrection and public order dahil sa pagdepensa kay Apollo Quiboloy, (pagdedeklara sa kanyang sarili bilang designated survivor), hindi paggalang sa congressional investigation at iba pa.
Pumalag naman ang kapatid ni VP Sara na si Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte sa pagpapa-impeach sa kanyang nakatatandang kapatid.
Si Rep. Garin umano, aniya, ang nangolekta ng lagda ng mga Kongresista para agad na maipasa sa Senado ang Article of Impeachment kahit wala aniyang basehan, at malinaw na “political persecution” lamang.
Matapos na mai-endorso sa Senado ang impeachment complaint laban kay VP Sara, anumang araw mula ngayon o pagkatapos ng 2025 Midterm Elections, maaaring simulan ang pagdinig.
Ang 2025 Midterm Elections ay tinakda sa Mayo 12, 2025 na magsisimula ang campaign period ng 90-days para sa national candidates na Senador at Partylist mula Pebrero 11 hanggang Mayo 10, habang 45-days mula Marso 28 hanggang Mayo 10, 2025 ang para sa lokal. Ayon sa panayam ng ROADNEWS Investigative Team (RIT) sa ilang mamaamayan sinabi nila na masyadong nagmamadali ang kasalukuyang administrasyon para matanggal sa pwesto si VP. “Tinik ba sa kanila si VP Sara? Bakit sila masyadong atat na matanggal yung tao na inihalal ng mahigit sa 30 milyong mga Pilipino noong 2022 Presidential Elections? Banta ba sa kanila sa 2025 Midterm Elections si VP Sara?,” tanong pa ng ilang Pilipino.
RoadNews Investigative Team