LTO NAMAHAGI NG PLAKA SA MARIKINA CITY SA PANGUNGUNA NINA MAYOR MARCY TEODORO AT CONG. MARJORIE ANN TEODORO AT OPISYALES NG LGU

MARIKINA CITY | Ang Land Transportation Office (LTO), at sa koordinasyon ng local na pamahalaan ng lungsod ng Marikina, sa pangunguna ni Mayor Marcelino “MARCY” Teodoro, at Cong. Marjorie Ann Teodoro, kinatawan ng unang distrito ng lungsod, ay namahagi ng plaka noong biyernes, Pebrero 7, 2005.

Ang kabuuang bilang na 1,223 piraso ng dilaw na plaka ay ipinamahagi ng LTO sa mga tricycle drivers sa naturang lungsod. Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang pamamahaging motorcycle plates ay magtutuldok sa backlog ng ahensya sa mga plaka ng rehistradong tricyle sa Marikina City.

“We are inching closer towards addressing the backlog of license plates for motorcycles and we attribute this to the all-out support of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. in order to finally resolve this problem which started way back in 2014,” pahayag ni Asec Mendoza. Sina Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro at Marikina 1st District Rep. Marjorie Ann Teodoro ang nanguna sa pamamahagi ng mga dilaw na plaka kasama ang mga opisyales ng LTO at ng LGU. Nagpasalamat si Mayor Teodoro kay Asec Mendoza sa pagbibigay daan ng ahensya para masolusyonan ang backlog sa licence plates ng mga tricycle sa lungsod.

Dagdag pa ni Mayor Teodoro na sa sector ng mga tricycle drivers ay magbibigay din sila ng mga kaukulang health care services bahagi ng pagpapaunlad ng LGU sa lokal na ekonomiya ng lungsod.

Naniniwala si Asec Mendoza na ang pamamahagi ng dilaw na plaka para sa mga tricycle ay makakatulong sa nga TODAs ng Marikina City para puksain ang mga kolorum na tricycle sa lungsod na gaya ng nangyari sa lungsod Quezon.

Matataadaan na noong nakaraang taon ay nagpahayag ng pasasalamat kay Asec Mendoza ang mga opisyal at myembro ng TODA sa Quezon City dahil matapos maipamahagi ng LTO ang mga Yellow Plates ng mga tricycles sa lungsod ay lumaki din ang kanilang kita dahil nawala ang mga kakumpetensya nilang kolorum.

(Buboi Patriaca)