NGO RIDERS (CR1P) NAGPAPATULOY SA KANILANG ADVOCACY
Isa na naman pagpapakita ng pagmamahal sa mga kabataan at pagpapahalaga sa mga guro ang ipinamalas ng Charity Riders for 1 Ph (CR1P) kasama ang Calasiao CSO Network, ngayong araw ng mga puso dito sa Calasiao Pangasinan.
Dinaluhan ang mahigit 300 na estyudante at mga guro ang feeding program na isinagawa ng CR1P ngayong umaga araw ng mga puso Pebrero 14, 2025 sa Nalsiab-Bacayao Elementary School dito sa bayan ng Calasiao Pangasinan.
Bukod sa Feeding Program, namigay din ang grupo ng dalwang LED TV na maaring gamitin ng mga guro sa kanilang pagtuturo sa mga magaaral ng nasabing paaralan.
Tugon ito sa adhikain ng grupo na ma-ipinapamalas ang pagkakawang gawa sa iba’t ibang lugar. Ang adhikaing ito ay sa pangunguna ng mga board of directors at sinasangayunan naman ng buong oganisasyon
Para sa RoadNews Pangasinan RL CRUISER








