KANDIDATONG KAPAL-MUKS

TALAGANG mainam na palabigasan o madaling pagkunan ng ikabubuhay ang pagpakat sa larangan ng pulitika.
Bukod sa mabilis ang return of investment (ROI) kapag nakalusot ka sa isang lokal o national elected position, presto, bukod sa mamumunini ka sa katakut-takot na delihensya mula sa iba’t-ibang governtment coffers, magtatamasa karin ng di matingkalang pagkilalang ‘honorable’ sa kabila nito, kaliwa’t kanan ang ginagawa mong kick-backs sa mga pagawaing bayan (SOP na ang 10% mula sa kabuuang budget sa anumang proyekto) na diretso sa bulsa ni Honorable Mayor o ni Honorable Congressman.
Kaya nakakabilib si Pasig Mayor Vico Sotto, na sinimulan niyang linisin ang sistema sa kanyang pamamahala sa kanyang lungsod. Sana nga tularan si Mayor Vico ng ating mga lingkod-bayan.
Balik tayo sa ating paksa na ginagawang palabigasan ang politika ng iba’t-ibang pamilya gaya ng mga Revilla (Bautista) ng Cavite, Estrada o Ejercito ng San Juan, Romualdez ng Leyte, Villar ng Las Piñas, at hindi pwedeng mawala sabating halimbawa ang mga Duterte at mga Marcos, at kung ating babanggitin ang mga pamilyang nasa politika, baka kulangin ang ating pahina.
Partikular sa larangan ng pelikula, marami sa mga hindi na gaanong mabilibsa pelikula o kulang na sa proyekto sa pelikula man o telebisyon, hindi katakatakang ang isang ex-convict at self-confessed drug user na si Robinhood Cariño Padilla ay nasa Senado para magbutas ng silya (pero sumasahod buwan-buwan galing sa buwis ng mamamayan). At nakuha pang magpa-gluta drip ang kanyang asawa sa kaniyang tanggapan sa Senado. Hindi ba ‘yan pagiging kapal-muks bukod pa sa pagka-walang-respeto sa isang institusyon na ang pangunahing gawain ay humabi ng mga batas para sa ikabubuti ng bansa at ng mga mamamayan basa laylayan ng lipunan na hilahod na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Meron pang isang laos na aktor ang sasabak sa darating na mid-term elections, na ubod ng yabang na akala mo ay mayroong alam pagdating sa parliyamentong pamamaraan at paglikha ng batas. Ang aktor na ito ay tanging gandang lalaki at ang kilalang angkan ang kanyang puhunan kaya siya naging tanyag na artista (pero ang kanyang ipinakitang pagganap sa mga pelikulang kanyang pinagwagian ng award kuno… ay hindi papasa sa pamantayan ng isang icon pagdating sa pagarte… ang namaya-pang aktes na si Ms. Angie Ferro.)
Sadyang kamal-muks ang nasabing laos na aktor at gustong maging Senador na ang isa pang kwalipikasyon ay lantay na tagahimod-ng-tumbong ng isang notorious na lider ng bansa.
Wala tayong personal na galit sa nasabing laos na aktor dahil hindi ko naman siya nakasama sa trabaho o nagkaroon kami ng personal na alitan.
Bagama’t meron siyang ‘galit’ sa atin noong tayo’y patnugot pa sa isang movie magasin, nang ilabas natin ang dalawang scope stories hinggil sa pagiging bohemyo ng nasabing laos na aktor.
Sorry, hindi niya maunawaa ang ibig ipakahulugan ng mga katagang ‘trabaho lang… walang personalan…
‘Saksi ang isang katoto kung paano niyugyog ng laos na aktor ang ating balikat at tiim-bagang sinambit ang mga kata-gang… ‘ano ang kasa-lanan ko sa iyo… bakit mo ako kinakalaban?!’ It’s water under the bridge na iyon, ika nga.
Ngayon, bakit natin nasabing isa pang kapal-muks ang laos na aktor dahil sa kanyang mga ipinahayag noong kasagsagan ng mga batikos ng mga civil liberty group at mamamayan laban sa kanyang tinitingalang ‘diyos-diyosan’.
“Sa inyong lahat na bumabatikos kay Pangu-long Duterte!!! Mamatay kayong lahat!”
Doon sa mga katagang kanyang binitiwan… doon mo mapagtatanto kung sino at anong klaseng tao ang laos na aktor.
Ngayon siya ay tatakbong Senador at hihingi na siya’y iboto ng mga taong kanyang isinumpang…’mamatay kayong lahat’!