edizon

HINDI naman natin maipagkakaila na sa panahon ngayon ay bumubuhos ng AYUDA, mapa-bagay man ito or in-cash.

Paano nga ba namimili ngayon ang mga tao kung sino ang kandidatong iboboto?

Sa pagtatanong ng Pulso ng Masa sa mga botante, sabi ng isang ligature particular dito sa Pangasinan ang kanya kanyang opinion at suhistyon ang kanilang sinasabi. Tulad ng kung sino ang mas may malaking AYUDA na maibibigay ay siya ang iboboto nila. Ang iba naman ay tanggapin na laman ang mga binibigay ng mga kandidato dahil galing din daw umano ang ito sa pera mula sa TAX ng mamamayan. Ang iba naman ay talagang nagsusuri kung sino ang karapat dapat.

Ngunit sadya rin ba talagang may mga botante, na sasadyain ang mga kandidato sa kani-kanilang bahay upang manghingi? Kung gayun, kung sino ang mas maraming tao na sumadya sa isang kandidato, ay segurado na ba ang pagkapanalo? Hindi bat may nakasaad din sa batas na kung magkano lamang ang dapat magastos ng isang kandidato sa isang tao o botante?

Sa punto namang ito, hindi bat ipinbabawal ang anumang AYUDA sa panahon ng kampanya? Nasaan ngayon ang batas at nagpapatupad nito?