LTO naglabas ng SCO laban sa may-ari ng jeep at truck sa viral na banggaan sa Antipolo.
Ayon sa Press Release ng LTO ngayong February 24, 2025, ang mga may-ari ng pampasaherong jeepney at ng dump truck na sangkot sa viral na salpukan noong Sabado ng umaga ay inuutusang magsadya sa tanggapan ng LTO para sa isinasagawang imbestigasyon.
Sa pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, binanggit niyang ang mga rehistradong may-ari ng pampasaherong jeep na may plakang TXF222, at HOWO dump truck na may plakang NEJ4224 ay inutusang isama ang mga driver nila na sangkot sa nagyaring aksitende. “We want to know the circumstances that led to the incident, particularly on why the passenger jeepney overshoot the lane that led to this accident,” ani Asec Mendoza.
Sa viral na video na kumalat sa social media, makikita ang jeep na nag-oveshoot sa linya habang binabagtas ang palikong kalsada sa Sumulong Highway sa Antipolo City, na sya namang dahilan upang sumalpok ito sa kasalubong truck. Ang banggaan ay nagresulta rin sa pagkabangga ng truck sa isang e-trike na bumabagtas naman sa kanang bahagi ng kalsada.
“The Show Cause Orders were already sent to the registered owners and we expect compliance from their part,” ayon kay Asec Mendoza, kaailinsunod ng derektiba ni DOTr Secretary Vince Dizon na “ to keep all roads safe”.
Sa SCOs na pirmado ni LTO-Inteligence at Investigation Division Head Renante Melitante, pinagpapaliwanag ang rehistradong may-ari sa isang notaryadong pahayag kung bakit hindi sila dapat maging liable sa pagkakaroon ng empleyadong reckless drivers. Ang mg driver naman ay nahaharap sa mga kasong Reckless Driving (Sec 48 ng RA 4136) at Improper Person to Operate a Motor Vehicle (Sec 27 ng RA 4136).
“Failure to appear and submit your written answer will compel this Office to resolve the matter based on the available evidence on record,” nakasaad sa SCO
Alfredo Patriarca para sa RoadNews

Photo Courtesy of DRCG Fire and Rescue Volunteer – Antipolo City