BAGONG PILIPINAS PARTYLIST MOTORCADE NGAYON

NAGSAGAWA ng motorcade ang BAGONG PILIPINAS PARTYLIST ngayong araw Martes, Pebrero 25, 2025 na nagsimula sa may Shakey’s St., Sta. Mesa – V. Mapa – Old Sta. Mesa St., N. Domingo St., Pinaglabanan – J. P. Rizal Avenue, na nagtapos sa KKK Gat Address Bonifacio Monument sa Maynila.

Ang motorcade ay pangungunahan ni BBMP National President at BAGONG PILIPINAS PARTYLIST 2nd nominee Ariel Defensor- Gumban.

Ayon kay Defensor-Gumban magkakaroon sila ng programa sa KKK Gat Andres Bonifacio Monument sas Maynila kasama ng kanilang mga miyembro.

Idinagdag pa niya ilalatag niya ang kanilang mga programa para sa mga Pilipino sa sandaling magtagumpay ang BAGONG PILIPINAS PARTYLIST.

Kabilang sa nais niyang magkaroon ng kabuhayan ay ang mga nanay o kababaihan para makatulong ang mga ito sa kani-kanilang mga asawa.

Kasama rin sa kanilang programa na magkaroon ng pabahay ang bawat Pilipino, dahil naniniwala siya na kapag nagkaroon ng sariling tahanan ang bawat pamilyang Pilipino ay nagkakaroon sila ng dignidad.

Ang BAGONG PILIPINAS PARTYLIST ay naniniwala na ang lahat ng problema ng ating mga kababayan sa Pilipinas ay nag-uugat sa pagkukulang sa oportunidad sa KABUHAYAN.

Ang maayos na kabuhayan ang pagmumulan ng solusyon sa iba’y ibang suliranin na ating nararanasan.

Kung maayos na ang KABUHAYAN ng bawat isa, susunod na dito ang maayos na edukasyon para sa ating mga anak, desenting pabahay, sapat at masustansiyang pagkain sa hapag-kainan, at maayos suporta sa pangangalaga sa kalusugan.

Ang lahat ng ito ay magiging abot-kamay kapag ang KABUHAYAN ang bawat mamamayan ay maayos at sapat.

Ang BAGONG PILIPINAS Partylist ay nakatutok sa pag-unlad ng mga kabuhayan. higit sa ating mga kababaihan na kadalasang naiiwan sa tahanan.

Sinabi ni Defensor-Gumban na naniniwala siya na ang mga kababaihan ay may malaking kakayahang makatulong sa kabuhayan ng kanilang pamilya, at nais niyang bigyan sila ng mga produktibong oportunidad para maging bahagi sila sa pag-unlad.

(Joselito Amoranto)