Michelle Dee, Opisyal nang Recording Artist sa Ilalim ng Star Music!
Isang bagong milestone ang naabot ni Michelle Dee matapos niyang ibalita sa na pumirma siya ng kontrata sa Star Music, opisyal na siyang papasok sa mundo ng recording industry. Kilala bilang isang beauty queen at aktres, ngayon ay handa na rin siyang ipakita ang kanyang talento sa musika.
Ipinahayag ni Michelle ang kanyang excitement sa bagong chapter na ito ng kanyang career. Bagamat hindi pa isiniwalat ang buong detalye ng kanyang unang single, may balitang pop-R&B ang magiging genre nito. Inaasahan din na maglalabas siya ng music video kasabay ng release ng kanta sa iba’t ibang streaming platforms sa susunod na buwan.
Bukod sa pagkanta, abala rin si Michelle sa kanyang mga advocacy, lalo na sa autism awareness at LGBTQ+ rights. Marami ang naniniwala na ang kanyang musika ay hindi lang basta entertainment kundi magiging daan din para sa makabuluhang mensahe.
Masaya ang kanyang fans sa bagong tagumpay ng kanilang idolo. “From Miss Universe Philippines to recording artist, Michelle Dee proves she can do anything! Proud of her!” pahayag ng isang tagahanga sa social media.
Kahit abala sa bagong landas sa musika, hindi pa rin niya iiwan ang kanyang acting career. Patuloy siyang mapapanood sa iba’t ibang proyekto sa telebisyon at pelikula.
Abangan ang kanyang unang opisyal na single sa ilalim ng Star Music—siguradong ito ay magiging isang hit!
Giselle Kaye Guiritan para sa RoadNews
