TREN NG PNR NA NADISKARIL, BALIK-OPERASYON NA

ROADNEWS (2)

AGADna naibalik ang serbisyo ng Philippine National Railways (PNR), matapos na madiskaril ang isang bagon nang banggain ng isang tanker truck habang binabagtas ang Paloyon Crossing sa Nabua, Camarines Sur, noong Sabado, Marso 15, 2025.

Batay sa statement na inilabas ng PNR, may petsang Marso 15, 2025,nadiskaril ang tren ng PNR na ginagamit bilang ‘Inspection Train’.

Ang ‘inspection train’ ng PNR ay pinapatakbo para inspeksiyunin ang mga riles bago daanan ng passenger train, upang masiguro na ligtas ang biyahe ng tren at walang obstruction sa rutang Legazpi to Naga.

Matapos ang insidente, kaagad na dinala ng mga tauhan ng PNR sa Bicol Medical Center ang truck driver, na nagtamo ng mga sugat at nasa ligtas ng kondisyon.

Kaugnay nito, naglabas ng pahayag ang PNR na ang Legaspi-Naga service ay agad na naibalik vice versa noong Linggo, Marso 16, 2025. Ayon sa PNR, ang mga rutang nagsimula ang operasyon noong nakaraang Linggo ay mga sumusunod:

– Legazpi-Naga 4:49 AM

– Naga-Legazpi 5:30 PM

Sinabi pa ng PNR, ang Legazpi hanggang Naga na ruta at vice versa ay agad binuksan dahil kinakailangan.

Sa pagkakataong ito, ang operasyon ng mga rutang sumusunod ay patuloy:

– Calamba to Lucena 05:45 PM

– Naga to Sipocot 03:30 PM

– Sipocot to Naga 05:00 PM

Idinadag pa na ang kanilang inspection train ay naayos na at hindi makakaistorbo sa riles upang mabigyan daan ang iba pang passenger train sa rutahanggang Legazpi.

Ang trapik sa naapektuhang lugar ay bumalik na sa normal matapos magpatupad ng rerouting scheme sa lugar.

Matapos ang pangyayari ay hinikayat ang mga motorista na sanayin na mag-ingat at sundin ang “Stop, Look, and Listen” na patakaran para maiwasan ang aksidente.

(Joselito Amoranto)