IGLESIA NI CRISTO NAGSALITA NA!

SA live interview ng Net25-(Sa Ganang Mamamayan) segment kay Bro. Edwil Zabala, Tagapagsalita ng INC noong gabi ng Biyernes, ay isinapubliko ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo ang kanilang posisyon patungkol sa mga kasalukuyang usapin.

Nilinaw ni Ka. Edwil na ang posisyon ng Iglesia Ni Cristo tungkol sa usapin kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kung ano ang tama, at kung ano ang nasa batas ng ating bansa ay siyang dapat pairalin.

“Hindi po sumasangayon ang Iglesia sa anumang hakbangin na hindi naayon sa mga batas ng ating bansa” paglilinaw ni Zabala

“Sinumang Pilipino o mamamayan na may ginawang paglabag sa ating mga batas ay dapat dito litisin” dagdag pa niya

Naniniwala ang pamunuan ng Iglesia na gumagana ang sistema ng hudikatura, at lubos din aniya ang pagtitiwala ng Iglesia sa Integridad at kakayanan ng Hudikatura upang pagpasyahan ang ganitong usapin.

“Ang mga hukom natin ay may kakayahan na gampanan ang kanilang tungkulin na ipataw ang tamang hustisya at pairalin ang katarungan sa lahat ng sandali” paglilinaw ni Bro Edwil. Kaya hindi raw dapat nating isuko ang soberenya ng bansa sa iba.

Ipinahayag din ni Zabala ang pagkalungkot dahil umano hindi dininig ng mga namiminuno ng bansa ang hinaing nilang kapayapaan, pagkakaisa at unahin asikasuhin ang mga problema ng bansa at ng mga mamamayan, na ipinahayag ng grupo nang sila ay nagkaroon ng Peace Rally noong Enero 13 ng kasalukuyang taon.

Darwell Baldos para sa RoadNews