FPRRD, HINDI DAPAT IKUMPARA KAY NINOY – MALACAÑANG

Tutol ang palasyo ng Malacañang sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte, sa isang pagtitipon sa The Hague Netherlands, na ikinumpara nito ang buhay ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa buhay ni dating senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Ayon kay palace PCO Undersecretary Attorney Claire Castro, hindi umano tugma ang pahayag ni VP Duterte sa mga naunang pahayag ng kanyang ama na gustong ihalintulad ang kanyang buhay kay Adolf Hitler ng bansang Germany.

Dagdag pa ni Castro na tandang-tanda pa niya ang pahayag ng dating pangulo na kung si Hitler ng Germany ay kumitil ng 3 milyon katao, Sa Pilipinas naman ay kaya niya din kumitil ng 3 million drug addicts o criminal.

Hindi dapat umano kinumkumpara ni VP Sara ang buhay ng kanyang amang si FPRRD kay dating Senador Benigno Aquino Jr  dahil hindi naman nasangkot ang dating Senador sa malawakang pagpatay di gaya ng kanyang ama na humaharap ngayon sa ICC sa kasong crime against humanity sa bansang Netherlands.

Nauna rito nagpayag ang bise presidente ng pangamba na sa gustong makauwi ng kanyang tatay sa Pilipinas ay baka mahalintulad ito sa nangyari kay Ninoy noong unuwi sa Pilipinas noong taong 1983.

Sinabi ni Castro na di niya matanto kung saan kumuha ng impormasyon ang bise presidente eh wala man lang siyang maipresenta na dokomento na may banta sa seguridad ng kanilang buhay.

Joseph Suguitan para sa Roadnews