Palasyo–“Antayin nalang ang pormal na anunsyo ng alyansa”; “OKAY LANG”–Sen. Imee Marcos
Wala pang pormal na anunsiyo ang Malacañang kung tuluyan nang sisipain sa senatorial slate ng Alyansa Ng Bagong Pilipinas si Incumbent Senator Imee Marcos na kapatid ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni Attorney Claire Castro, Undersectary ng Presidential Communication Office, na hintayin nalang ang pormal na anunsiyo dahil hindi pa nakapag-usap ng maayos ang magkapatid. Aniya antayin nalang ang pormal na anunsiyo ng pamunuan ng alyansa ukol dito.
Nag ugat ang issue dahil sa dalawang magkasunod na campaign rally ng alyansa na hindi nabanggit ang pangalang Imee Marcos ng kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Una sa Cavite at sinundan pa sa Laguna.
Mababatid na inamin mismo ng senadora na matagal na silang hindi nagkakausap sa kanyang kapatid. Nauna pa dito ay nagsagawa rin ang senadora ng hearing ng kanyang Committe on Foreign Relations, ukol sa pagka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na humaharap ngayon sa kasong crime against humanity sa The Hageu sa Netherlands.
Samantala, nagbigay naman kamakilan ng pahayag si Senator Imee hingil sa usapin. Mahalagang bigyan ng atensyon ang naging pag-aresto kay dating Pangulong Duterte dahil nakataya rito ang soberenya ng bansa ayon sa senadora.
“Ngayon ‘yung tungkol sa rally, na hindi na ako binanggit, OKAY LANG. Tiisan tayo tutal wala akong magawa, tutal sinabi ko naman mula’t sapul baka mauwi ito sa away-away ng dalawang panig. Ayokong maipit” ani Sen. Imee Marcos
Joseph Suguitan para sa RoadNews