SEN. IMEE, KUMALAS NA SA SENATORIAL SLATE NG ALYANSA!

Tuluyan nang kumalas ang Presidential sister re-electionist Senator Imee Marcos sa Alyansa Ng Bagong Pilipinas. Ang alyansa ay pinamumunuan ng kanyang kapatid na si pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Mariing pinahayag ni Senator Imee na salungat ang kanyang paninindigan at prinsipiyo ang hakbang ng administrasyon sa ginawang pag arresto kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa nito na hindi niya kayang tumayo sa isang entablado na kasama niya aang mga ibang kandidato ng Alyansa Ng Bagong Pilipinas.

“Higit sa anumang pakinabang, dapat manaig ang soberenya ng bansa at ang tunay na katarungan sa bawat Pilipino” pagtatapos ni Sen Imee.

Nilinaw din ng Senadora na mananatili siyang independent candidate.

Joseph Suguitan para sa RoadNews