Palasyo, BWENELTAHAN SI VP SARA!
Bweneltahan ng palasyo ng Malacanang pahayag ni Vice President Sara Duterte na papunta sa dumpsters ang Pilipinas, dahil nawawalan na nang pag asa umano ang mga Pilipino.
Diretsahan na sinabi ni palace spokesman Undersecretary Attorney Claire Castro na maraming proyekto at programa ang ginagawa ng pamahalaan sa taumbayan sa pamumuno ni pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sinabi ni Casrto na marahil hindi nakikita ng Bise Presidente ang mga ginagawang programa at proyekto para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mamayang Pilipino, dahil nagbulag-bulagan ito o di-kaya naman ayaw niyang malaman .
Ani ni Castro na mas lalong walang karapatan ang mga katulad ni VP Sara na mamuno ng bansa dahil hindi kailangan na palaging nasa abroad para asikasuhin ang kanyang ama.
Pinayuhan ni Castro umuwi na ang bise, bagamat tatay niya ang kanyang inaasikaso, ay dapat din alalahanin niya na may obligasyon siya sa mamayang Pilipino bilang bise presidente.
Joseph Suguitan para sa RoadNews