MAYOR MARCY NG MARIKINA CITY AT IBA PA, SINUSPENDE NG OMBUDSMAN
Sinuspende ng Office of the Ombudsman si Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” at labing walong iba pang opisyal ng lungsod sa loob ng 6 na buwan. Ang desisyon ay bunsod ng mga reklamo ng technical malversation, malversation ng pondo ng bayan, at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Pacartices Act.
Ayon sa ulat, ang mga reklamo ay isinampa ni Sofronio Dulay, isang resident eng Marikina City, na nagsasaad na ginamit ni Teodoro at ng kanyang mga kasmahan ang mga pondo ng Philippine Health Insurance Corp. para sa mga layuning hindi pangkalusugan, kabilang ang pagbili ng mga kagamitan sa IT at mga supply, pag-sasaayos ng imprastraktura, at mg donasyon.
Naniniwala naman si Teodor na ang pag-suspende sa kanya ay isang malinaw na kaso ng political persecution. Kinuwestyon niya ang pagkakaroon ng desisyon, na inilabas ilang araw lamang bago ang simula ng panahon ng kampanya sa mga kandidatong lokal.
Bagaman suspendido, mananatili parin si Teodoro bilang kandidato sa pagka-kongrehista ng unang distrito ng Marikina City sa May 12 Midterm polls, ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia. Ipinahayag ni Garcia na ang suspension order kay Teodoro ay hindi makakaapekto sa kandidatura nito maliban kung may pinal nang desisyon ang mga korte.
Nanindigan naman ang DILG sa pagsuspinde kay Mayor Teodoro, at inatasan ni DILG Secretary Jonvic Remulla si Rommel Acuña, ang pinakamataas na ranggo na miyembro ng Sanggunihang Panglungsod, na maupo bilang acting mayor ng Marikina.
Ang hakbang na ito ay naglalayong maiwasan ang pagkalumpo ng operasyon ng gobyerno at matiyak ang pagpapatuloy ng mga serbisyong pampubliko. Ang desisyon ng DILG ay naayon sa mga standard succession procedures sa ilalim ng mga Local Governace Law, na maglagay ng pinakamataas na ranggo na miyembro ng city council sa mayoral seat kapag ang alkalde at bise alkalde ay hindi makapaglingkod.
Darwell Baldos