Atasha Muhlach, Gaganap sa Lead Role sa Pinoy Adaptation ng “Bad Genius”
Itinanghal si Atasha Muhlach, anak ng mga batikang artista na sina Aga at Charlene Muhlach, bilang lead actress sa Filipino adaptation ng sikat na Thai film na “Bad Genius”.
Magiging isang pangunahing karakter si Atasha sa pelikulang tungkol sa isang batang estudyante na may exceptional na talino at ginagamit ito upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang pag- aaral. Kapalit naman ng pagtulong niya ay pera, o pagbebenta ng mga sagot sa iba’t ibang exams ng kaniyang mga kaklase at kapwa estudyante.
Kilala ang Bad Genius sa mga matinding tensyon at nakakagulat na mga plot twist, kaya’t tiyak na magiging kapana-panabik ito para sa mga manonood. Masaya, excited, at handa naman daw si Atasha sa bagong hamon na dulot ng pelikulang ito.
Ayon sa mga producers, binigyang pansin nila ang mga aspeto ng edukasyon at sistema ng pagsusulit sa Pilipinas upang maging mas relatable sa mga lokal na manonood.
Inaasahan ng mga fans na magiging isang malaking hakbang ito sa karera ni Atasha, na naglalayong magpakita ng mas malalim at mature na karakter. Tiyak na magbibigay ang Bad Genius ng kakaibang thrill at suspense na magugustuhan ng mga Pilipino.
(Giselle Kaye Guiritan)
