BBM matulad kaya sa kanyang ama? MARCOS RESIGN! UMALINGAWNGAW SA BDAY NI FPRRD

Pininiwalaan ng nakararaming Pilipino na posibleng mauna pang mapababa si Pangulong Bongbong Marcos, Jr., kaysa kay Vice President Inday Sara Duterte na kung saan may nakahaing impeachment laban sa pangalawang Pangulo.

Nitong nakaraang Marso 28 sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagkaroon ng malawakang protesta sa iba’t ibang lugar at sa mga bansa sa abroad bilang suporta nila sa dating pangulo na nakakulong ngayon sa The Hague, Netherlands.  

Mula sa Liwasang Bonifacio, Plaza Miranda ay napadpad sa Mendiola, Maynila ang mga raliyista na pinangunahang ng libu-libong miyembro ng grupong MAISUG upang ipakita nila ang kanilang suporta at pagbati sa kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong nakaraang Biyernes, Marso 28, 2025.

Pagdating ng grupo sa Mendiola St., na ilang metro lang ang layo sa Palasyo ng Malakayang ay sabay-sabay nilang ipinagsigawan ang “Marcos Resign at Bring Him Back!(Duterte)”.

Sinabi pa ng mga ito na nabudol sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa kanilang pagsuporta nito noong 2022 elections na kang saan naging dahilan ng pagkapanalo ng una na katandem niya si Vice President Inday Sara Duterte.

Anila, hindi nananalong Presidente si Marcos kung hindi siya sinuportahan ng mga Duterte na makakakita sa kanilang mga boto o resulta ng eleksyon na mas mataas ang boto ni VP Sara kung ikukumpara kay BBM.

Ayon pa sa kanila, kung naglaban sina BBM at Inday Sara sa pagka-Pangulo siguradong panalo ang dating alkalde ng Davao City dahil may mas tiwala ang taumbayan sa mga Duterte kesa sa mga Marcos nung panahon ng 2022 elections.

Kasabay nito, ipinawagan ng grupong MAISUG sa mga senador na magdesisyon na sila kung ang taumbayan o si BBM ang kanilang papanigan na isinusuka na ngayon ng mga Pilipino.

Ipinagsigawan din ng mga raliyesta ang matinding korapsyon ngayon sa ilalim ng administrasyon na ang kasabwat pa ang mga mambabatas na karamihan ay mga kongresista na pinangungunahan ni House Speaker Martin Romualdez.

Hinanap ng mga raliyesta ang bilyun-bilyong pondo ng Philhealh, isiningit sa 2025 National Budget at nawawalang pondo ng 5,500 flood control projects na hanggang ngayon ay walang maipakita ang administraston ni BBM na natapos na proyekto  ng flood control.

Tiniyak naman ng mga raliyesta na hindi sila manggugulo dahil ang mga nakaharap sa kanilang mga kagawad ng pulisya ay pawang mga Pilipino rin at naghihintay lamang ng paglakas ng kanilang panawagan pababain si PBBM ay posibleng pumamig ang mga ito sa kanila.

Naniniwala ang mga raliyesta na ramdam din ng mga nasa awtoridad ang kahirapan at walang kaayusan ang pamamahala sa ilalim ng pamumuno ni PBBM.

Matatandaan na lumaki ang sweldo ng mga pulis, militar at iba pang men uniform sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang mga nagsagawa ng protesta sa Mendiola ay binubuo ng mga business group ng mga kababaihan, seniors, kabataan, Overseas Filipino Workers (OFWs) na umuwi lamang para suportahan ang panawagan ng pagpapabalik dating pangulong sa Pilipinas.

Bukod, nagkaroon din ng malakihang rali sa Davao City, iba’t ibang lalawigan sa bansa, maging sa The Hague, Netherlands, Canada, Japan at maraming pang bansa bilang sabay-sabay nilang suporta nila kay dating Pangulong Duterte.

Umarangkada na rin ang signature campaign sa pamumuno ni dating Senador Gregorio Honasan, Cong. Rodante Marcoleta na ang mangalap ng pirma bilang petisyon nila na pagpapabalik kay Duterte sa bansa.

Ang kaarawan ni dating Pangulong Duterte at sinabayan ng “zero remittance” ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagsimula noong Marso 28 hanggang Abril 4, 2025.

Ang hindi pagpapadala ng OFWs sa Pilipinas sa panahon na ito bilang protesta nila sa ginawa ng administrasyon ni BBM kay dating Pangulong Duterte sa The Hague, Netherlands na kung saan ito ngayon nakakulong.

(RoadNews Investigative Team)