Dahil sa matinding init ng panahon, ISU-System ONLINE CLASS MUNA

CAUAYAN CITY ISABELA | Bunsod ng matinding init ng panahon at patuloy na pagtaas ng heat index sa lalawigan, idineklara ng Isabela State University – System na sa araw ng Lunes March 31, 2025 ay ipapatupad nila ang Online Classes at Work-from-Home.
Ang mga empleyado ng Unibersidad ay Work-from-home ngunit tinitiyak na accessible parin sila kapag office hours.
Layunin ng desisyong ito ng unibersidad na makatiyak na ligtas ang mga mag-aaral at mga empleyado nito, at mailayo sila sa banta ng sakuna bunsod ng matinding init ng panahon.
(Weng Torres)