176 Pinoy Sinagip mula sa Scam Hubs sa Myawaddy, Myanmar
SA Press Release ng DFA noong Marso 26, 2025, ay iniulat ng Department of Foreign Affairs ang buong pagsisikap ng gobyerno na ligtas na maiuwi ang 176 Pinoy na umano’y biktima ng human trafficking (HTVs) mula sa mga illegal na scam centers sa Myanwaddy, Myanmar. Sa isang espesyal na na flight mula Bangkok, Thailand, sumakay ang 176 na Pinoy, ito ay dumating sa NAIA sa ganap na 5:40 ng umaga Miyerkoles noong nakaraang linggo.
Pagdating sa NAIA, nakipagpulong ang DFA sa mga katuwang na ahensya sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACT) na binubou ng Department of Justice (DOJ), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare ang Development (DSWD), Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Bureau of Immigration (BI), at suportado ng Philiipine Airlines (PAL) at ng New NAIA Infre Corporation (NNCI), ay malugod na tinanggap ang 176 na repatriated Filipino HTVs. Isang araw bago rito, pinangunahan din ng DFA ang pagpapauwi ng 30 Filipino HTVs mula sa Myanmar via Thailand.
Ang matagumpay na repatriation ay matapos ang isang linggong shuttle-visit ni DFA Migration Affairs Undersecretary Jose A. de Vega sa Myanmar at Thailand para maiuwi ang 206 na Pilipino rito sa Pilipinas upang makapiling nila ang kanilang mga mahal sa buhay. Positibong nagbunga ang agarang pagkilos ng mga awtoridad sa bansang Myanmar at Thailand para sa kaligtasan ng mga Pinoy HTVs galing Myanwaddy, patungong Mae Sot. Thailand noong ika-24 at 25 ng Marso, at sumakay ng bus patungong Bangkok Airport para naman lumipad pa-Maynila noong araw rin na iyon.
Upang matiyak ang ligtas na paglalakbay pauwi ng bansa, binuo ang mga Rapid Response Teams, na kinabibilangan ng DND-Office of Defense at Armed Forces Atache`; PNP-Office of the Police Atache`; at DMW-Migrant Workers Office sa ilalim ng One-Country-Team Approach, ay pumusisyon sa Myanwaddy, Mae Sot at Bangkok, kasama ang mga opisyal ng DFA sa pagtitimon at partisipasyon ng mga pangunahing tauhan ng embahada sa Yangon at Bangkok. Sabay-sabay sumakay at dumating sa NAIA ang Rapid Response Team at at ang 176 repartries lulan ng espesyal flight ng PAL.
Hindi natitinag ang gobyerno ng Pilipinas sa pangako nitong protektahan ang mga Pilipino sa ibang bansa. Ang matagumpay na operasyong ito ay muling nagpapatibay sa mataas na pamantayan ng bansa sa mga mekanismo ng proteksyon at migrasyon. Tinititiyak din ng pamahalaan na ang lahat ng mga Overseas Filipino – laluna ang mga di-umano’y kabilang sa HTV’s ay makakatanggap ng agarang suporta at tulong kung kinakailangan.
Kasabay nito, nais ng pamahalaan na ipagdiinan ang pagpapaalala nito sa lahat ng Pilipino na dumaan sa tamang deployment procedure ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, tulad ng DMW, bago umalis ng bansa para magtrabaho. (Darwell Baldos)